“WE ARE FROM BULACAN, OF COURSE…!” | Althea Torres

 


LARAWAN: Original post ng #OfCourseChallenge video ni Lester “Kenyo Glen” de Robles kung saan humakot ng 44k likes, 955 comments, 5.9k shares, at one million views. (Facebook/KENYO Brothers)



“WE ARE FROM BULACAN, OF COURSE…!”





Tumabo ng higit isang milyong views at libu-libong likes ang video ng isang vlogger mula sa Malolos, Bulacan matapos i-upload ang bersyong Bulakenyo ng #OfCourseChallenge kasama ang kaniyang mga kaibigan sa kanilang Facebook page.


Itinampok ni Lester de Robles, o mas kilala bilang “Kenyo Glen”, sa video ang iba’t ibang historical sites, interesting facts, at typical jokes sa Bulacan kabilang ang pagiging “home of heroes,” fireworks capital, garden capital, at ang biru-biruang “road construction” capital ng lalawigan.


Ayon kay de Robles, katuwaan lamang dapat ang paggawa ng nasabing challenge ngunit kalaunan ay napag-isipan nilang lagyan ito ng ‘historical side’ upang magkaroon ng lalim ang video.



MGA LARAWAN: Iba’t ibang reaksyon ng netizens mula sa comment section ng video. (Facebook/KENYO Brothers)


“Overwhelmed… at the same time, nakaka-shock kasi ang dami pala[ng] mga Bulakenyo na hindi aware talaga sa history ng Bulacan kaya mahalaga na mai-spread pa talaga ang history ng Bulacan para [rin] sa mga Bulakenyo. Sabi nga, ‘wag maging dayuhan sa sariling bayan,” saad ni de Robles matapos mag-viral ang video at umani ng iba’t ibang reaksyon. | via Althea Torres, BAJ 2A



VIDEO LINK: https://www.facebook.com/100082817710026/posts/pfbid02hcSBj4AFGLigPp4Ygd7WvTsi44t5vyhESetNmTGPeQw4XzEbypr7c8ijdT5GPvCEl/?app=fbl 

COURTESY: KENYO Brothers (facebook.com/LESTERGLEN25)




Comments

Popular Posts

Citizen and Community Journalism: Community Issues and Problems among Citizens in Brgy. Maguinao, San Rafael, Bulacan

In Barangay Malis