SIDHI NG ALON: Lubog na Masa, Lunod na Pag-asa l Final Report
SIDHI NG ALON: Lubog na Masa, Lunod na Pag-asa nina: Ramos, Kent l Caparas, Angelo l Gatchalian, Lemuel Panoorin dito ang Mini Documentary: PAGGISING SA DILIM (Paglalakbay sa 'Di Kilalang Isla) Daratal din ang panahong hindi na tayo maihahatid ng transportasyong inaasahan nating maghahatid sa atin sa dako paroon. Sa paglubog ng kalsada at islang kanilang kinagisnan, ganoon naman ang paglutang ng damdamin at kanilang hinaing at panawagan para sa kanilang kapakanan. Bilang isa sa limang isla sa Malolos, Bulacan, hindi na lingid sa ating kaalaman na bangka ang pangunahing transportasyon ng mga residente sa Barangay Caliligawan. Ang bangka ang kanilang ginagamit sa pagpasok sa paaralan at trabaho, pambili ng kanilang panlaman tiyan, at pagpunta sa hospital kung kinakailangan. Paano kung ang bangka ay kasing layo ng bituin para abutin ng mga residente kahit na ito ang nagbibigay-ginhawa at naghahatid sa kanilang paroroonan? Noong taong 2023, ayon sa pinakahuling survey ng Social We...
Comments
Post a Comment