Updated ₱200 bill?

 'Check niyo na lang 200 [peso bill] niyo kung update[d] na'


Courtesy: Ken Hensly


     Iyan ang hirit ni Ken Hensly sa kaniyang Facebook post na mabilis na nag-viral matapos batikusin ng mga netizens ang isang resort sa gitna ng chocolate hills sa Bohol na naitampok ng isang content creator na si Ren the Adventurer na umabot na sa fifteen (15) million views. Tumanggi namang magpa-unlak ng panayam si Hensly.

     Ang naturang resort ay ang Captain's Peak Resort na matatagpuan sa Barangay Canmano, Sagbayan, Bohol na may water park, slides, cottages at rooms.

Screenshot from Ren the Adventurer's video

     Hindi nagustuhan ng mga taong nakapanuod ng video ang lokasyon at estraktura ng resort dahil malaking kasiraan daw ito sa kagandahan ng atin kalikasan at labag daw ito sa batas. 

I'm not amazed. Bakit pinayagan ng LGU ang ganito? Mawawala na ang natural wonders ng lugar” komento ng isang netizen sa mini vlog post ni Ren the Adventurer.

Encroaching the natural wonder with an EYESORE



Comments from Ren the Adventurer's post
 

     Ipinahayag ng mga tao sa comments ang kanilang pagkadismaya at hindi pagsang-ayon sa itinayong resort, dahil dito dinumog ng mga tanong ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) patungkol dito: “Is that allowed? I believe chocolate hills is a protected area. Bakit nilagyan ng swimming pool?” “Bakit pinayagan ng DENR yan?” “DENR PENRO Bohol ano na?

Comment from Ren the Adventurer's post

     Base naman sa inilabas na pahayag ng DENR noong March 13, nag-issue na sila ng Temporary Closure Order noong September 6, 2023 at ng Notice of Violation noong January 22, 2024 dahil sa pagpapatakbo ng resort nang walang Environmental Compliance Certificate (ECC). Naglabas naman ng Memorandum ang Regional Executive Director na si Paquito D. Melicor sa PENR Bohol Ariel Rica upang magsagawa ng inspeksyon at patawan ng Temporary Closure Order ang Captain's Peak Resort.

The DENR-EMB will continue to monitor.”

Courtesy: Department of Environment and Natural Resources

     Sa ngayon ay pansamantalang itinigil ang operasyon ng resort matapos ang inilabas na pahayag ng DENR.


Comments

Popular Posts

Citizen and Community Journalism: Community Issues and Problems among Citizens in Brgy. Maguinao, San Rafael, Bulacan

In Barangay Malis