Tricycle driver sa Bulacan, hinangaan ng mga netizens | Gian Pagtalunan
Tricycle driver sa Bulacan, hinangaan ng mga netizens
Nag-viral ang post na ito ni Venn Villanueva sa Facebook dahil sa hindi pangkaraniwang tricycle na kaniyang nasakyan. Mapapansin na may nakapaskil na walang boses ang driver ng tricycle dahil kagagaling lang nito sa operasyon. "Salute to all hardworking professionals out there tulad ni Tatay na kahit walang boses ay todo kayod parin para sa pangarap, para sa pamilya" caption ni Venn sa kaniyang viral post. Hinangaan ito ng mga netizens at umabot ng 89k reactions at 10k shares ang facebook post. Nakarating din ito sa driver ng tricycle sa Sta. Maria Bulacan na si tatay Folegencio Pagarigan at nagbigay pasasalamat sa mga netizens na humanga sa kanyang paghahanap-buhay. "Maraming salamat po sa lahat ng nakakaintindi.. kailangan po kasi para makatulong man lang sa anak kong nag aaral.. at pang gamot na din po.. marami pa po kasing laboratories ct scan etc. Maraming salamat sa lahat.." tinig niya. Sa araw-araw nating pakikipaglaban sa buhay, napakahalaga ng boses sa pakikipagkomunikasyon. Ngunit hindi ito hadlang sa mga tulad ni tatay na lumalaban ng patas para sa kanyang pamilya at mga anak. https://www.facebook.com/photo?fbid=7160841240619508&set=a.561883107182054
Comments
Post a Comment