Tindahan, nilooban!


Bandang 1:30 (ala-una trenta) ng madaling-araw ika-pito ng Marso sa kasalukyang taon, isang tindahan sa Pulilan, Bulacan ang nalooban ng hindi pa natutukoy na mga salarin. Isang bag o wallet umano ang tinangay ng salarin na naglalaman ng pera ng tindahan at mga Identification Cards and personal papers. Ganoon pa man, hindi na nagbigay ng pahayag ang biktima sa kabuuang halaga ng perang nanakaw sa loob ng kanilang tindahan. Hindi naman napigilan ng anak ng biktima na magbigay ng pahayag sa isang post nito online, ani ng anak ng biktima na "tulong nalamang nila ang kung ano man ang nakuha sa kanilang tindahan ngunit hinihiling sana nila na maibalik kahit manlang ang mga ID at ang ibang personal na papeles" karugtong niyon ay ang pakiusap na kahit ilagay na lamang sa labas ng kanilang gate kung saan pumasok ang nanloob ang mga personal nilang gamit. Nagpahayag din ng paalala ang anak ng biktima sa post nito na kung inaantok na ay huwag hahayaang nakabukas ang gate ng bahay at magdoble ingat. Sa dulo naman ng post ay sinabi niyang nakalulungkot umanong may mga taong hindi kayang lumaban ng patas. Bagamat nagpost ang anak ng biktima ay wala pa rin naman naging kaganapan upang matukoy kung sino ang suspect. Hindi na bago sa atin ang kwento ng mga nalolooban o nananakawan sa mismong pamamahay, ngunit maging silbi nawa itong paalala sa atin na kailangan pa rin talaga nating magingat kahit na nasa loob pa tayo ng ating sariling tahanan.

Comments

Popular Posts

Citizen and Community Journalism: Community Issues and Problems among Citizens in Brgy. Maguinao, San Rafael, Bulacan

In Barangay Malis