Student teacher, ipinamalas ang pagiging creative para sa kaniyang Final Demonstration Teaching
Pinusuan ng maraming viewers ang tiktok post ng isang student teacher na si Allysa Hernandez dahil sa paggawa nito ng mga creative instructional materials para sa kaniyang Final Demonstration Teaching.
Ayon sa kaniya, naisip niya na gumawa ng instructional materials na konektado sa nakatalagang paksa para sa kaniyang fnald demonstration. Mula sa makukulay na papel at iba't ibang uri ng disenyo gumawa rin siya ng improvised mobile phone, newspaper at relevant statements mula sa social media na nakatulong para maging epektibo sa mga estudyante na makilahok at maging aktibo para sa kaniyang final demo.
Ikinatuwa at nagpahayag din naman ng samu't saring komento ang mga netizens upang ipakita ang kanilang paghanga at suporta.
"I am overwhelmed since most of them praised and greeted me, and it makes me happy.", pahayag ni Allysa.
Samantala, sa loob ng dalawang buwan na preperasyon, nakaranas din daw siya ng ilang suliranin pagdating sa pinansyal, kakulangan sa oras, at kakayahan ngunit, ito ay kaniyang nalagpasan dahil sa suportang ibinibigay ng kaniyang pamilya. Naging motibasyon din ni Allysa na magpursigi sa kaniyang pag-aaral upang tuparin ang kaniyang pangarap simula noong bata pa lamang.
Dagdag pa, kasalukuyan itong nag-aaral sa Cavite State University-Silang (CvSU-Silang), at isa nang graduating student. Sa ngayon ay umani na ng 611.4k views at 68k likes ang kaniyang tiktok post.
Courtesy: Allysa Hernandez
Tiktok post: allyssaaAa (@alii.xx8)
https://www.tiktok.com/@alii.xx8/video/7335815701665418502?_r=1&_t=8kgy89we9dh
Comments
Post a Comment