Rodriquez, pinuri ng Pinoy fans dahil sa kanyang thesis na inspired mula sa Seventeen.

 
      Marami ang humanga sa post ni Raymart Rodriquez, isang Sociology student sa University of the Philippines Los Baños tungkol sa kanyang thesis na ginawa na may pamagat na “Slipping into the Diamond Life: Filipino Carats’ Identity and Meaning as Fans of the K-pop boy group Seventeen.”


     Pumatok ang post na ito at umani siya ng mga papuri mula sa ilang K-pop fans lalo na sa kanyang mga co-Carats dahil sa kanyang interes at pagiging proud na tagahanga. Marami ang natuwa sa kanyang naisip na topic dahil ito ay hindi pang-karaniwan at talaga namang napukaw ang pansin ng netizen online.


     Ayon sa kanya “Sa pananaliksik na aking isinagawa, nais kong iparating sa mga tao na ang pagiging fan ng isang tao o grupo ng tao ay hindi kailangan husgahan sapagkat para sa kanila (mga fans), parte na ito ng kanilang identidad at mayroon na rin silang mga nabuong kahulugan na sila rin lamang ang makakapagpaliwanag.


Sinabi niya ring layunin ng kanyang thesis na makapagdagdag diskusyon at pag-aaral na pumapatungkol sa mga fans, collective behavior at sosyolohiya sa pamamagitan ng pagtuklas kung paano nila binubuo at binibigyang kahulugan ang kanilang pagiging fan. Dagdag pa nga niya’y ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang alisin ang stigma at itama ang mga misconceptions sa mga K-pop fandoms tulad ng Carats.


Hindi niya rin daw inaasahan na maraming tao ang makakakita o makakaalam ng kanyang thesis kaya naman ito ay kanyang ikinagulat. Naikwento niya rin na noong 2020, taon kung saan nag-alburoto ang Bulkang Taal at nagsimula ang public health emergency dahil sa COVID-19 ay naging inspirasyon niya ang mga awitin at iba’t ibang contents ng Seventeen upang magpatuloy at tibayan ang kanyang loob.


 “Sa aking palagay, ang kontribusyon ng aking thesis sa ating lipunan ay ang kahalagahan ng paglalahad ng iba’t ibang karanasan ng iba’t ibang tao. Ngunit ang mga pag-aaral na ito ay nag-iiwan sa atin ng responsibilidad na makinig o basahin ang kanilang mga karanasan kung nais natin silang maintindihan. Isa pang kontribusyon ng aking pananaliksik ay ang pagtulong nito sa pag-aalis ng stigma at pagtatama ng mga misconceptions sa mga K-Pop fandoms tulad ng Carats.” Pahayag ni Rodriguez.


Si Rodriguez ay K-pop fan na simula noong 2017 at ang boy group na Seventeen ang kanyang pinaka paborito sa lahat ng grupo na kanyang sinusuportahan. Ayon daw sa kanyang professor, piliin nila ang topic kung saan sila “passionate” kaya naman hindi na siya nagdalawang-isip na pag-aralan ang may kaugnayan sa K-pop. Nakatakda siyang magtapos sa kanyang kurso sa darating na Agosto, 2024 at ngayon ay kasalukuyang naghahanap ng trabaho.




Courtesy: Raymart Rodriquez

Facebook: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=pfbid035deh78uKGFpVNH2DiQfXZBz4NgxyVuuvWFYunqLkex5WSwRyoWaCtEHL3dwSqrhpl&id=100075352713017&mibextid=Nif5oz 


Comments

Popular Posts

Citizen and Community Journalism: Community Issues and Problems among Citizens in Brgy. Maguinao, San Rafael, Bulacan

In Barangay Malis