PAMBIBIKTIMA NG PANDARAKMA NI APO WHANG-OD, TAMPOK SA NETIZENS
"They believe that it is a blessing from Apo Wang Od. It’s an honor na makapagpa-signature tattoo sa pinakamatandang mambabatok sa Buscalan". - Edward Espiritu
VIRAL: Umani ng samut-saring komento at reaksyon ang isang video na in-upload ng isang Facebook user na si Edward Espiritu na 27 taong gulang na kung saan kasama niya ang pinakamatandang mambabatok na matatagpuan sa Buscalan, Kalinga Province na si Whang-Od Oggay o mas kilala bilang Apo Whang-Od na may edad na 106 taong gulang. Makikita sa video ang paghimas o pagdakot nito sa kaniyang maselang bahagi ng katawan. Ayon kay Edward siya ay napagkamalang babae sapagkat mahaba ang kaniyang buhok.
Aniya, sumadya ang kanilang grupo pumarito at bumiyahe ng halos sampong oras mula Cavite upang makita ang matandang mambabatok at makapagpabatok dito, ang video ay kuha ng kaniyang asawa na si Kimberly Espiritu sa kadahilanang ito ang kanilang unang pagkakataon na umakyat ng Buscalan. Sa pag-upload ng video ay hindi naman nila inaasahang mag vi-viral ito at aabot ng halos 2M views sa Facebook sa kadahalinang para sa kanila ito ay katuwaan lamang.
Comments
Post a Comment