Mini vlogs para sa pangarap, achieved ng estudyanteng content creator
KILALANIN: Isang 21-year-old college student sa Pulilan Bulacan ang
nagawang maiparenovate ang kanilang bahay dahil lamang sa paggawa ng mga daily
mini-vlogs sa social media!
“Ito talaga 'yung bagay na pinanghahawakan ko na masasabi kong binago talaga ng social media ang buhay namin, especially ng pamilya namin, is nung time na naiparenovate ko 'yung bahay namin," kwento niya.
Hindi man naging madali ang kaniyang paglalakbay sa mundo ng social media, malaki naman ang naitulong nito sa kaniya at marami siyang naabot na mga pangarap magmula noong nagsimula ang kaniyang karera sa paggawa ng mga contents.
"Actually, 'di ko siya ineexpect na magagawa ko siya at this age, at my 21 years old. 'Di ko ineexpect na kaya ko pala 'yun gawin lalong lalo na nagaaral ako, sobrang daming iniintindi," dagdag pa niya.
Si Cristel Mae Villafuerte ay isang 3rd year college student sa Bulacan State University, at kasalukuyang kumukha ng kursong Bachelor of Secondary Education Major in English.
"Number 1 inspiration ko talaga 'yung family dahil kaya ko talaga ginagawa lahat ng 'to ay para mabigay yung mga kailangan nila."
Mahirap man maging estudyante, panganay at breadwinner, ginamit niya ito bilang pampalakas ng loob na magpatuloy pa upang mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang pamilya.
Sa
ngayon, umabot na dalawampu't limang libong views ang naturang Facebook video.
Courtesy: Cristel Mae Villafuerte
Facebook Page: Cristel VLOGS
Link: https://fb.watch/qQ2T098Qch/?mibextid=Nif5oz
Comments
Post a Comment