'Love Story' sa Review Center?
TINGNAN: Ang in-upload ni Wyne Glazel R. Crisostomo sa kaniyang tiktok (@otorthy) na katuwaang palarong “Tumpakners” na isinagawa sa Review Center REO Manila ay umani ng mahigit 4.2 million views, 366 thousands na like, at iba't ibang komento na nai-tampok din sa GMA News dahil kinagiliwan at kinakiligan ito ng madla.
Ayon kay Wyne, wala sana siyang balak sumali sa palaro dahil hindi niya naman kilala ang makakapartner niya rito, ngunit dahil siya ang pilit na itinuturo ng kaniyang mga kabigan at ayaw niyang masabihan na ‘kj o killjoy’ wala na siyang nagawa kundi pumayag na lang, pagkababa niya ay nagulat siya dahil lalaki ang kaniyang makakapareho.
Sinimulan ang palarong “tumpakners” na kagaya ng segment sa noontime show na “It's Showtime” kung saan magbibigay ng kategorya ang host at dapat masambit ito ng pareho at sabay ng manlalaro. Ani ng host “Magbigay ng kanta ni Taylor Swift” na pareho naman nilang nasambit ay ang “Love Story” na siyang naging dahilan upang kiligin at mapuno ng ingay at asaran ang silid,na siya ring naging reaksyon ng mga tao na nakapanood nito sa kaniyang tiktok. Nagbalak pa nga raw siyang tanggalin na ang upload dahil hindi naman alam ng pamilya nila na kumukuha sila ng review exam pero dahil marami na ang nakakita at natuwa hinayaan na lamang niya ito.
Dagdag pa niya, ang huling naging pag-uusap nila ng kaniyang nakalaro na si Jericho ay noong nagpaalam siya kung maaari niya bang ilagay ang video sa kaniyang tiktok na ngayon ay patuloy na dumarami ang bilang ng nakapapanood at naghahanap ng kasunod ngunit wala na siyang maibibigay dahil yon lamang talaga ang nangyari at hanggang doon na lamang ito dahil wala naman silang balak na gumawa pa ng content ng magkasama lalo pa at abala na sila upang makuha ang titulo ng pagiging CPA.
Wyne's Tiktok
https://vt.tiktok.com/ZSFfXwvv5/
GMA News
https://vt.tiktok.com/ZSFfS9j7x/
screenshot from @otorthy (tiktok)
Comments
Post a Comment