Kakaibang pangalan ng sanggol, kinaaliwan sa social media; umani ng iba’t ibang reaksyon

 


Apat na taon na ang nakalipas nang magpost sa kanyang social media account ang isang netizen na si Sincerely Yours 98 Pascual matapos isilang ang kanyang pamangkin na pinangalanang HTML o HyperText Markup Language. Talaga namang pumukaw ito ng atensyon ng nakararami at umani ng samu't saring reaksyon at komento. 


Sa isang Facebook post noong 2021, ibinahagi ni Pascual ang litrato ng kanyang pamangkin na ipinanganak sa Bulacan Medical Mission Group Cooperative Hospital sa Bocaue na may timbang na 2.25 kilo at may kapsyong "Ang bago kong lalapirutin. Hypertext Markup Languanga R. Pascual" .


Salaysay ni Pascual nitong Marso 7, nagkaroon na raw ito kamakailan ng kapatid na pinangalanan namang XML o Extensible Markup Language. Dagdag pa niya, hindi na raw bago sa kanilang angkan ang mga kakaibang pangalan tulad na lamang ng iba pa nitong kamag-anak na may pangalang Spaghetti 88, Parmesan Cheese at Cheese Pimiento. 


Ayon sa ama ng bata na si Mac Eightyfive Pascual, siya raw ang nakaisip ng pangalan ng kanyang anak sapagkat siya'y isang web developer at nais niya itong iugnay sa kanyang propesyon. 


Samantala, hindi naman napigilan ang iba't ibang opinyon at negatibong komento ng karamihan sa comment section ng naturang post. Ayon sa ilang netizens, kawawa naman daw ang bata at pinahihirapan lang. 


"I feel bad for the baby. Really? Bat di nalang turuan ang bata in the future if you really love programming." saad sa isang komento. 


Mayroon din namang mga natutuwa sa pangalan ni HTML ----- sa palagay daw niya ay WWW (World Wide Web) naman ang susunod na ipapangalan sa bagong silang na sanggol. 


Bukod pa rito, muling nabigyang pansin ang kakaibang pangalan ng kanilang pamilya matapos silang lumahok sa isang segment ng Eat Bulaga na "Bawal Judgemental" na kung saan sinabi ng ina ni HTML na si Spaghetti 88 na ang kaniyang magulang ay mayroon lamang pangalan na simple at ito ay sina Senando at Flor. 


Inamin din niya na naging mahirap noon ang pagkuha niya ng government IDs sa tuwing mag-aapply siya ng trabaho dahil hindi pa tinatanggap ang numerong kasama sa pangalan na nakalagay sa ID. Dagdag pa niya, may mga pagkakataon din daw noong nag-aaral siya na nabu-bully dahil sa kaniyang pangalan. 


Ayon naman kay Sincerely Yours, kahit matagal na ang naturang post ay natutuwa pa rin siya sa tuwing binabalikan niya ito pati na rin ang iba’t ibang komento ng netizens na tumangkilik dito.


Source: 

https://www.facebook.com/photo/?fbid=4282076455157847&set=a.166118893420311 https://www.facebook.com/trulyyours98

Comments

Popular Posts

Citizen and Community Journalism: Community Issues and Problems among Citizens in Brgy. Maguinao, San Rafael, Bulacan

In Barangay Malis