I am Sir Juan, of course...
KaJUANder JUANder ang pagsabay ng isang guro mula sa Hagonoy
Bulacan sa trending na "Of course" sa Facebook. Makikita na nagkalat
ang "Of course" sa Facebook kung saan ang mga tao ay may iba't ibang
entry. Ang guro mula sa Hagonoy Bulacan ay may entry sa trending na ito na
"I am a Public School Teacher, of course" na may 326K views simula
noong February 27 hanggang sa kasalukuyan. Siya si Sir Juan, 31 na gulang,
isang influencer, at guro na nagtatrabaho sa isang Public School sa Hagonoy
Bulacan.
Ayon sa kanya, dahil maraming gumagawa ngayon ng "Of
course" trend, naisip niyang gumawa rin ng kanyang entry. Sa kanyang
video, ipinakita niya ang ilang mga scenario bilang isang public school teacher
na maraming nakaka-relate.
“Sa aking palagay, ang dahilan kung bakit ito naging
trending ay dahil maraming nakaka-relate. Marami ang nakaka-experience ng mga
scenario na aking ipinakita.”
Dagdag pa ni Sir Juan, hindi lamang naghatid ng good vibes
ang kanyang video kundi nagdulot din ito ng realization sa mga tao, pagkakaroon
ng malalim na pagtingin sa mga public school teacher, at ang pagkilala sa
pangangailangan ng pag-ayos sa sistema ng DepEd.
Bagamat may mga hindi magagandang karanasan, patuloy pa rin
na nagbibigay ng good vibes si Sir Juan sa mga taong naniniwala sa kanya. Hindi
lamang ito puro good vibes kundi mga content na nagbibigay rin ng mga
realizations sa mga tao.
“Mas ginanahan akong mag-isip ng mga content na hindi lamang
nakakapagdala ng good vibes kundi may maiiwan rin na ‘realization’ sa mga tunay
na nagaganap sa ating kapaligiran. Sa ibang tao, lalo sa mga kapwa ko guro, sa
aking palagay ay maraming mas higit na humanga sa mga guro dahil sa katulad ng
nakita sa video, kahit maraming hindi magagandang nararanasan ang guro, patuloy
pa rin sa paglilingkod sa bata at sa bayan.”
Screenshot from Sir Juan Facebook Page
https://fb.watch/qPSMVzGgYt/
Comments
Post a Comment