Facebook Group naging oportunidad sa pagpapatayo ng mga negosyo
TIGNAN:
Trending ngayon ang Facebook group na ito sa kanilang pagbabahagi ng recipe ng Fried Chicken. Ito naman ay umani ng mga netizens na interesadong malaman ang kalakaran sa likod nng FC.
Nagsimula ang FB group upang magbigay ng payo sa tamang proseso ng paghahanda at pagluluto ng Fried Chicken. Nabigyang pansin ang group matapos magtrending ito sa Twitter o mas tinatawag ngayong X.com.
Mananatiling isa sa mga pangunahing paksa ng Facebook Group ang mga katanungan mula sa supplier ng manok, mga resipi at kritisimo ng kanilang produkto. Hinihikayat ang mga miyembro na magbigay ng kumento at payo sa mga posts tungkol sa mga luto ng kapwa kaFC.
“ Ok nmn dati kase maraming trolls tapos napaka toxic nung inaayos ko maganda na nagkakaroon na nang proper sharing at ideas sa pag pipirito nang fc ’’ ayon sa panayam ni Arvin Pasag isa sa mga admin ng FC Group.
Dahil dito ay nabibigyan ng oportunidad ang karamihan na magtayo ng sariling negosyo at magbigay ng mga payo sa tamang proseso at pagluluto ng Fried Chicken.
Mahigit 325k na miyembro na ang nasabing Facebook Group. Sa kasalukuyan ay patuloy pa ang pagdami ng mga netizens na gustong malaman ang sikreto sa isang crispy, juicy at malinamnam na fried chicken.
Want to know more about Fried Chicken ? Click here to find out! : https://www.facebook.com/groups/2338407396310028/
Comments
Post a Comment