Dambuhalang ahas, pinaghahahanap pa rin│Florence Alfonso

 


   Photo Courtesy: Daryl Peralta│Russel Simorio

Takot at pangamba ang dulot sa mga residente Barangay Bued, Calasiao, Pangasinan nang matagpuan ang pinagbalatan ng isang dambuhalang ahas sa nasabing barangay. 

Ayon sa post ni Daryl Peralta sa 'PHILIPPINES SNAKE ID', nakita ito noong Pebrero 28. Dito ay kinumpirma rin ng mga snake expert sa grupo na reticulated python o sawa ang species ng ahas.

Ayon din sa isang Facebook post ni Russel Simorio, kasamahan ni Peralta, hindi pa rin nahahahanap ang nasabing ahas na tinatayang 16 hanggang 25 feet ang haba.

Bagama't walang kamandag at isang constrictor ang sawa, mapanganib pa rin ito dahil sa sa matatalas na mga ngipin at lakas ng pagpulupot sa biktima nito.


Courtesy: Daryl Peralta│ Russel Simorio

Facebook post: https://www.facebook.com/groups/900072927547214/permalink/1418708182350350/              

https://www.facebook.com/RusselSimorioGMA/posts/pfbid025AEpd25qzgY4kHsFQysxsyT2BDeGYX4vvVrunFkWT1oHNiN6yipS5VBeCZ7gzMFRl

Comments

Popular Posts

Citizen and Community Journalism: Community Issues and Problems among Citizens in Brgy. Maguinao, San Rafael, Bulacan

San Pablo residents speak up; living in the baranggay