Cherry Blossom sa Kalinga?

Cherry Blossom sa Kalinga?🌸🌸🌸


TINGNAN: Nag-viral ang mga in-upload na litrato ng Facebook user na si Alexis Gaspar dahil sa mala Cherry Blossom na hilera ng mga puno sa tabi ng kalsada sa Bulanao, Tabuk City, Kalinga. 


Ayon kay Alexis, may pupuntahan lang sana siyang lawa nang madaanan niya ang hilera ng namumulaklak na puno ng Madre de Cacao o Kawkawati. Namangha siya sa tingkad ng kulay rosas na mga bulaklak na puno na maihahawig sa Cherry Blossom ng Japan. Hilig niya umanong kumuha ng mga litrato sa tuwing nakakakita siya ng magagandang lugar kaya naman naisipan niyang huminto saglit at kuhaan ang mga puno. 


Aniya, nakaka-proud na may lokal na bersyon tayo ng Cherry Blossom at dapat bigyan ang mga punong gaya ng Kawkawati ng sapat na atensyon. 


📸: Alexis Gaspar on Facebook

#

Comments

Popular Posts

Citizen and Community Journalism: Community Issues and Problems among Citizens in Brgy. Maguinao, San Rafael, Bulacan

San Pablo residents speak up; living in the baranggay