Catnapper nananatiling banta sa Cubao


Pinaghahahanap ngayon ang isang catnapper sa Cubao matapos itong makitang bumaba ng taxi na may bitbit na backpack na pinaghihinalaang naglalaman ng pusa matapos makarinig ang saksi ng iyak nito.

Ayon sa City Cats Cubao sa kanilang Facebook post, nahuli noong Pebrero ng nakaraang taon ang lalaking kinilalang si Ayniel sa pareho ring paglabag  at pumirma ng kasunduan na siya ay maaari nang arestuhin sa susunod na makita sya sa lugar.

Inalarma naman ng Araneta Group of companies ang kanilang mga security personnel na paigtingin ang kanilang seguridad matapos makipag-ugnayan ang City Cats Cubao  na maaaring may  kinalaman ang lalaki sa pagkawala ng dalawang pusa na namamalagi sa labas ng Ali Mall.

Kaugnay nito, napag-alaman na mentally ill ang lalaki at iniisip nitong sinasagip nya ang mga pusa na kanyang kinukuha ngunit sila ay napapabayaan at namamatay kalaunan.


Source: https://www.facebook.com/100077313100367/posts/402279395692494/?app=fbl 

Photo: CC by-SA https://pxhere.com/en/photo/1348915

Comments

Popular Posts

Citizen and Community Journalism: Community Issues and Problems among Citizens in Brgy. Maguinao, San Rafael, Bulacan

In Barangay Malis