Bata, binirong may Break Time sa Paghinga ang mga Isda sa Palengke; Kinagiliwan Online

Viral ngayon sa social media ang post ng uploader na si Ivan Jan, mula Taguig, matapos nitong I-upload ang larawan ng kaniyang anak na tuwang-tuwa na nasa palengke, at nagtataka kung bakit hindi gumagalaw ang mga isda.

Batay sa post ng uploader, mayroon itong kapsyon na, “Tuwang tuwa si Kobe sinama ko siya sa Ocean Park. Hindi daw gumagalaw mga fish, sabi ko mga naka breaktime lang.” 

                             

Sa kabila na dalang nitong kasiyahan sa maraming publiko online, mayroon pa rin ilang netizens ang na alarma sa ginawang ito ng uploader.

“This is why people develop trust issues because at a very young age they’re already being deceived. Worse, it’s by the people they trusted the most.” Saad ng isang nag-komento.

“It's true that early experiences, especially those involving trust and deception, can significantly shape a person's behavior and attitudes later in life. When a child is deceived, particularly by those they trust the most like their family or close friends, it can indeed lead to trust issues in the future.” Pahayag din ng isa pang nag-komento. 

                              

Ayon kay Jan Ivan, pawang pangkatuwaan lamang ang naturang post. Paglilinaw din niya, alam ng bata na wala sila sa Ocean Park kundi sa palengke, at hindi niya intensyon na dayain ang isipan ng kanyang anak. 

“Be advised po na joke po Itong caption ko dito. Aware po yung son ko na hindi yan Ocean Park. Just a heads up lang kasi baka ma misinterpret ng iba na dinedeceive yung bata.” Pahayag ni Ivan Jan.

Sa kasalukuyan, mayroon ng higit sa 65,000 na iba't ibang reaksyon at 30,000 na share ang viral post na ito. 

Umaasa naman si Jan Ivan na ang hatid nito sa publiko ay "good vibes" at hindi bilang
masamang repleksyon na gawain para sa bata.




Link para sa naturang post: https://www.facebook.com/story.php/?id=100000971415727&story_fbid=24968738566075179






                                

Comments

Popular Posts

San Pablo residents speak up; living in the baranggay

SIDHI NG ALON: Lubog na Masa, Lunod na Pag-asa l Final Report