Three Barangay Dampol 1st, Pulilan, Bulacan Official, Address Prominent Issues and Possible Solutions at a Local Elementary School
In the recent interview and survey that we conducted, three prominent public officials of Barangay Dampol 1st, Pulilan, Bulacan (Barangay Captain, DepEd Local Committee, and The SK Chairman who is also a teacher) raised their concerns and insights regarding the current problems faced by both students and teachers at Rufino A. Cruz Memorial Elementary School.
Members:
Concepcion, Clarence
Ogaña, Czarina Gale
Question 1. Ano sa palagay mo ang problema sa paaralan na matagal nang hindi nabibigyan ng solusyon?
Isa doon sa malaking problema ng RCMES ay kapag tag-ulan, ‘yung pananatili ng tubig doon sa likod na bahagi ng kanilang paaralan sapagkat ‘yung mga nakapaligid na mga lupa sa paaralan ay nabakuran na at nabili na ng mga negosyante. Tinambakan ito at ginawang mga warehouse kaya nanatili ‘yung mababang level ng lupa, kung saan ay kapag tag-ulan ay doon naiipon. Ito ‘yung isang nakikita nating problema ng eskwelahan sa panahon ng tag-ulan. Isa pa ‘yung mga ilan pang classrooms na luma na at ito nga ‘yung mga parte ng mga binabaha na lugar dahil mababa ‘yung level ng lupa at luma na ‘yung mga building, kailangan na talagang palitan ng bago.
(Follow up question: Problema din ng mga guro ang kakulangan sa mga gamit, mababang attention span ng mga estudyante, at maraming may problema sa pagkatuto sa pagbasa, paano ito tinutugon ng barangay?)
Para sa mga slow learner, sa bahagi namin siguro ang makatutugon diyan ay yung DepED sapagkat sila ‘yung nagpapatupad ng mga programa o ‘yung curriculum kaya mas higit na makasasagot sa usapin na iyan. Sa amin naman, ‘yung mga problema halimbawa ng mga paaralan sa ano kasi syempre mayroon namang pondo subalit laging kulang, ang barangay ay tumutugon sa pamamagitan ng pagdodonate ng school supplies. Taon-taon ay nagbibigay ay Sangguniang Barangay at nagbibigay din ng tulong ang barangay tuwing may Brigada Eskwela. So, isa sa naitutulong namin ay ‘yung pagbibigay ng mga gamit. Isa pa ‘yung araw-araw na pag-aayos ng trapiko sa paaralan na ginagampanan ng ating masisipag na Barangay Tanod.
Question 2. Anu-ano ang mga hakbang na ginagawa ng barangay upang masolusyonan ang mga problemang ito?
Tungkol doon sa pagbaha, ang solusyon dito talaga kasi mayroon tayong bagong drainage sa labas ng eskwelahan, kailangan na magkaroon ng drainage na manggagaling sa loob ng paaralan patungo doon sa drainage sa labas. Ito ‘yung dadaluyan ng tubig upang masolusyonan na ‘yung pagbaha, bukod pa doon sa pagtatambak syempre, dapat taasan na.
Question 3. Bukod sa mga kasalukuyang problema na kinahaharap ng paaralan, mayroon pa bang mga proyekto na isinasagawa ang barangay upang makatulong sa pagpapaunlad ng paaralan?
Isa sa kasalukuyang problema rin na kinakaharap ng paaralan ay ‘yung kakulangan ng pondo kaya hindi sila makapaghire ng mga security guards, ginagampanan ito ng mga tanod. So tuwing pasukan sa umaga, at paglabas sa tanghali hanggang hapon, nakabantay ‘yung ating mga tanod, isinasaayos ‘yung trapiko upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa kanilang pagpasok at pag-uwi sa eskwela at pag-uwi sa bahay. Ngayon ‘yung pananatili ng tanod natin doon, kasama na ‘yung pagsasaayos ng trapiko kasi bawal magpark doon sa harap kapag pasukan at labasan upang maiwasan ‘yung mga aksidente.
Question 1. Ano sa palagay mo ang problema sa paaralan na matagal nang hindi nabibigyan ng solusyon?
Siguro isa sa mga problem na dapat government ang nag-aayos nito is yung drainage system sa school kasi whenever na nagkakaron na bagyo or sometimes pag-baha ay nalulubog yung ilang part, lalo na sa likod ng school ng Rufino. And also, sa pagkakaalam ko ito rin 'yung ginagamit namin for evacuation center, so kapag baha doon sa likod, and also gamit lang namin sa harap, mag-aaral o student ang nahihirapan because of sa paggamit ng evacuees, syempre kailangan siguro mas prioritize yung mga drainage system ng school.
(Follow up question: Problema din ng mga guro ang kakulangan sa mga gamit, mababang attention span ng mga estudyante, at maraming may problema sa pagkatuto sa pagbasa, paano ito tinutugon ng barangay?)
Yes, actually isa akong Teacher, isa rin akong Sk Chairman sa Barangay natin sa Dampol 1st ay bukod siguro sa kakulangan ng pasilidad at kagamitan, syempre number 1 diyan kulang ang mga Teachers. Masasabi din naman ng mga Teacher na kulang ang mga gamit dahil syempre in how many years nag-aral din ako when it comes to education ay kapag kakaunti or kulang yung mga kagamitan ay napaka hirap mag-turo. So, aware syempre 100% aware, since hindi siya nalalayo sakin dahil isa din akong Private School Teacher at napaka hirap mag provide ng knowledge and information sa mga bata, kapag kulang yung mga materials sa pagtuturo.
That's one of my problems when it comes to kapag nagtuturo. Siguro i-suggest, ang attention span ng bata nawawala kapag merong something na nag di-disturb sa kanya. So, siguro since in the realization nandiyan iyon, pagbabago at pag-angat ng technology, siguro when it comes to teaching gamitin yung mga laptops, computer, or something na nag cacatch ng attention sa mga bata. Kasi, kapag more of traditions na ang pagtuturo like board works, or pag-sulat, medyo luma na ‘yan eh. Kailangan siguro, paggamit ng atake ng technology like paggamit ng PowerPoints, Canva, different alternatives na mas makakatulong at makakakuha ng attention para sa mga batang nag-aaral.
Question 2. Anu-ano ang mga hakbang na ginagawa ng barangay upang masolusyonan ang mga problemang ito?
Sa barangay naman, siguro mag reach out, makipag-ugnayan sa mga guro o principal ng mga paaralan and also alam ko may nag aallot kami ng budget for that kasi, sabi ko nga nabanggit ko nung una, ang paaralan ay hindi lang ginagamit for schooling, so pag ka may times na mayroong disaster or merong pag baha o pag bagyo, ginagamit ito for evacuation, so syempre since napapakinabangan ito ng Barangay at linangan rin ito ng mga bata kung saan sila ay nag-aaral, kailangan din i-prioritize. Siguro sa pag a-allot din ng budget, para mas kumbaga mas matutukan, makita yung aksyon ng Government from the education side.
Question 3. Bukod sa mga kasalukuyang problema na kinahaharap ng paaralan, mayroon pa bang mga proyekto na isinasagawa ang barangay upang makatulong sa pagpapaunlad ng paaralan?
Since, kakatapos ko lang mag pasa ng annual budget, ang Sk Chairman po kasi ang nagpaplano or ang Sangguniang Kabataan ang nagpaplano para sa ikabubuti ng mga kabataan. So, siguro sabihin ko na rin na medyo biased kasi, ang allotment ko ng budget for education is almost 40% na manggagaling o magmumula sa education so bakit? Kasi, sabihin na nating Teacher kasi ako, it is the building blocks of education talaga, so 40% ito ay. Siguro nasa around 200 beneficiaries, from college, elementary, senior high and junior high school, mayroon akong libreng print, pagbibigay ng allowances for mga may awards or something and marami pa. And budget na mahahawakan namin is in the near future talagang masasabi kong masusulit lalong lalo na sa mga kabataan kasi halos lahat ng kabataan satin ay nag-aaral naman from different schools, college, elementary, lahat yan meron akong project na naka ready kapag approved na yung budget for the year 2024.
Local Officer 3: Christian Morales, Counsellor and DepED Local Committee
Question 1. Ano sa palagay mo ang problema sa paaralan na matagal nang hindi nabibigyan ng solusyon?
Siguro yung pagbaha. Oo, malay naman kami sa problema na iyan which is yan talaga ang main na naging problema po ng schools siguro 'di lang samin kundi sa ibang barangay rin.
(Follow up question: Problema din ng mga guro ang kakulangan sa mga gamit, mababang attention span ng mga estudyante, at maraming may problema sa pagkatuto sa pagbasa, paano ito tinutugon ng barangay?)
Siguro ang masasabi ko lang dito ay 'di natututukan masyado ang mga aralin nila dahil sa panahon ngayon kung saan umuulan ang technology at pagbabago ng sistema ng edukasyon, naiiba sila ng focus like computer, gadgets, cellphone, tablets, at iba pa.
(Follow up question: May nababalitaan ka din ba na ganitong problema sa paaralan sa iba pang mga barangay dito sa Pulilan?)
Sa ngayon wala naman pero sure ako dyan halos same lang siguro kami ng mga problema ng ibang barangay.
Question 2. Anu-ano ang mga hakbang na ginagawa ng barangay upang masolusyonan ang mga problemang ito?
Pag naman lumalapit po or nakipagusap ang school sa Barangay para mailapit yung problem, para humingi ng tulong sa Barangay is kung ano man po kaya maprovide ng Barangay nabibigay naman.
Question 3. Bukod sa mga kasalukuyang problema na kinahaharap ng paaralan, mayroon pa bang mga proyekto na isinasagawa ang barangay upang makatulong sa pagpapaunlad ng paaralan?
Meron naman kasi di nawawala ang communication lagi ng school and Barangay so pag may request lang po ang school sa Barangay, pag kaya ng Barangay ipoprpovide po, pero pag malaking project ang maitutulong lang naman namin bilang nasa low level government kami eh mas mailapit namin sa high level yung mga request nila.
Conclusion:
Upon comparing the survey with the teachers’ responses that we conducted before, it turns out that the three public officials see the same concerns. They mentioned that they indeed recognize and take proactive steps to these problems identified by the teachers. All of them agreed that the school's biggest problem is the poor drainage system that causes flooding during the rainy season. Additionally, 2 officials recognized the problems when it comes to the attention and listening span of the students. They mentioned that the school needs to adopt modern and more technological ways of teaching because this is what keeps the students’ attention to learning. However, they also faced uncertainties such as poor budget allocation that's why they cannot fully execute their plans and solutions effectively.
Comments
Post a Comment