A survey conducted by: Naobi Espiritu and Kenneth Tuyay
Bachelor of Arts in Journalism 2A
Citizen and Community Journalism
SURVEY OF COMMUNITY ISSUES/PROBLEMS AMONG CITIZENS
*Our team decided to ask 10 residents of Barangay Turo in Bocaue Bulacan about their concern or problems being experience in their community. A total of 5 questions were asked and here is their answers:
Question 1.
Ano para sa iyo ang mga pangamba na mayroon ka bilang residente ng iyong barangay?
RESPONDENTS | ANSWERS |
1 | Traffic, ano lang sa mga bata lang tsaka dun sa school diba yung school nila dyan. |
2 | Eh nangangamba ako baka gerahin tayo ng China. |
3 | Pangamba siguro yung ano, parang kakulangan sa ano ng mga tao, disiplina ng mga tao kasi shempre hindi naman masasabi sa/ng mga kabataan. Kahit gabi na makita mo lakad sila nang lakad dito yung bang kahit mga ano lang sana, may mga nag guguide lang na mga patrol muna, mga pulis man lang. Obserbasyon lang ah. |
4 | Pangamba... lindol, oh mga lindol nakakatakot diba. Yung mawalan ka ng hanap buhay |
5 | Para sakin wala naman, yung ano lang kapag may bagyo siyempre di kami makapagtinda ng maayos. |
6 | Pangamba? Baha lang naman. |
7 | Dito samin ang kinatatakot namin eh talagang baha, pag umaakyat ang tubig dahil sa kanal namin barado. Pero sa mga magnanakaw, hindi kami natatakot kasi dito sa aming Barangay tahimik dito. Dito walang magnanakaw, ang inaano namin dito pag bumabaha yung mga bahay namin pinapasok. |
8 | Pangamba? Ah ano po yung pagbaha ganun po. |
9 | Ah pangamba? Nakaw, krimen, ano pa ba? Ah lahat nandito na, ano pa bang pangamba? Yung mga masasamang loob, basta kumpleto na sa lugar na ito nandito na lahat. |
10 | Wala naman, wala naman kaming ano rito pangamba. |
Question 2.
Bilang residente, ano-anong mga problema ng inyong barangay ang iyong naranasan sa paninirahan dito?
RESPONDENTS | ANSWERS |
1 | Wala pa naman. |
2 | Yung malaking baha. Medyo natakot din dahil halos abutin na yung bubong ng bahay namin. Yung taas ng bahay. |
3 | Naranasan na, kagaya ng?... ah sa krimen wala naman. Ah oo safe naman tong barangay na to, sa krimen wala naman... baha normal naman kasi ang baha, yun okay naman... oo |
4 | Shempre karaniwan yung dating ng customer, yung matumal, madalas ganun/yung ganun |
5 | Baha lang ganyan tsaka itong traffic ganun. |
6 | Ayun lang, yung pagbaha lang ganun. |
7 | Baha lang, kasi yung kanal namin barado. |
8 | Yung mga pagnanakaw ganun. |
9 | Kalsada, lubak-lubak. Basura hindi maayos ang pagkuha, tapos pangalawa na yan, at tsaka yung kanal na hindi naayos yung pagkuha nung mga barado, yun ang isa namin na nirereklamo. Basura, kalsada na sira at tsaka yung mga kanal hindi maayos yung pagkuha ng mga burak. |
10 | Ah, pag bumabaha lang, yun lang ang problema namin. |
Question 3.
Para sa iyo, ano ang pinakamadalas na problema o suliranin na kinakaharap ng inyong barangay?
RESPONDENTS | ANSWERS |
1 | Traffic, traffic lang talaga. |
2 | Madalas na nararanasan dito eh yung nga yung baha lalo pag bagyo laging bumabaha. |
3 | Kasi komo tollgate nga to yung traffic, oo kasi tollgate maraming mga sasakyan |
4 | Kasi yung pwesto namin is nasa, nakita nyo naman katabi ng mga paputukan shempre ang pinaka ano, yung during season, yung bawal ang apoy |
5 | Tingin ko baha talaga kasi dito konting ulan lang baha na agad eh. |
6 | Baha talaga kasi lumilipat pa kami ng ibang bahay kapag pinapasok na yung bahay namin ng tubig eh. |
7 | Baha talaga, yung ang pinaka problema talaga ng Barangay namin. |
8 | Yung simpleng ulan lang tapos bumabaha agad dito. |
9 | Kalsada! Tingnan mo ang kalsada oh, pag-umuulan na nga diyan pwede ka kami mamingwit eh. |
10 | Oo, baha lang, wala nang iba. |
Question 4.
Mayroon bang mga kakulangan na dapat pagtuunan ng karampatang pansin ng punong bayan?
RESPONDENTS | ANSWERS |
1 | Dito?. Ano, wala naman kakulangan eh kasi wala pa naman kaming narereklamo. Tsaka ano lang yung dumadami yung mga taong mga pagala gala, yung mga bata, kawawa eh. Yung isa nga dyan ano eh halos 2018 nandito na hanggang ngayon nandito parin. Parang hindi naman binibigyang pansin nung kapitan tas dumadami dila ng dumadami. |
2 | Siguro yung mga problema ng baryo namin... yun nga yung sa, ang madalas naman ano dito yung pag tag ulan. |
3 | Ah kakulangan... sa bagay hindi lang naman dito sa lugar na to eh marami naman, kahit saang lugar maraming kakulangan. Siguro yung pag ano na lang sa mga ah, bata na pagala gala sa gabi. Yon parang dapat siguro dagdagan yung mga, pag sinabi kasi na curfew dapat kung 10, 10 talaga wala ng dapat lalabas na bata eh... yun |
4 | Siguro po, siguro wala since private property naman itong ano to... itong lugar na ito |
5 | Oo naman, dapat magkaroon dito ng magandang plano. |
6 | Siguro yung mga kanal ganun. |
7 | Oo, yung taasan, yung laliman yung aming kanal, para hindi kami tinutubig lagyan ng kanal yung mga ano dito. |
8 | Opo, yung ano, yung sa basura. |
9 | Meron, kalsada pa rin at tsaka basura. |
10 | Yan nga yung kalsada, yung baha. |
Question 5.
Ano para sa iyo ang mga kinakailangan pang ipagpabuti ng inyong lokal na pamahalaan?
RESPONDENTS | ANSWERS |
1 | Ano sa... siguro dapat ano seminar. Kailangan nila ng seminar sa mga ganyan tsaka yung dagdag tao rin na titingin sa lansangan shempre nandun yung disgrasya tsaka aksidente. |
2 | Siguro lagyan ng dike yung aming ilog, para lang sa ganun hindi agad mabilis yung dating ng tubig. Yun lang naman ang madalas na problema dito eh yung baha. |
3 | Ipagpabuti pa... ah siguro yung... siguro dagdag na lang din sa mga pulis, yung mga kapulisan oo. Yung hating gabi sana, yung 24 hours... yun |
4 | Wala naman kaming problema kasi din naman kami binabaha/di din naman binabaha itong lugar namin. Siguro wala naman po/yun lang po |
5 | Sa tingin ko yung pag-aayos ng kalsada tsaka kasi laging traffic kaya ayun dapat pagtuunan ng pansin talaga. |
6 | Yung maglinis tsaka ayusin ganun. |
7 | Sa totoo lang, hindi naman talaga ko dito nakatira kaya wala rin naman akong masyadong masabi. |
8 | Yung ano din, more project pa para sa barangay katulad nung TUPAD yung paglilinis sa Barangay ganun. |
9 | Para sa akin, pagandahin nila ang kalsada talaga kasi diyan lahat dumadaan eh. Wala namang ibang daanan kundi kalsada diba. Edi ayan, kalsada talaga ang pagandahin nila. |
10 | Siguro, wala na, ganyan lang, basta yung kalsada lang ang ano namin. |
CONCLUSION:
Based on the result of our survey in the specific community, most residents said that the biggest problem of their Barangay is flooding because of typhoons or even the heavy rains. Throughout the entirety of our survey, we found out that every problem that the community has is all related and that even a single problem can make a big damage to the whole community. That's why it's important to identify the problem of a community to address it before it damages the whole place
There are a variety of complications for the residents of the chosen community, but the lack of action when it comes to flood control by the local government or issues that are connected to flood is what comes to be the major nuisance that they have. There is a common problem that the people collectively have that needs a solution and is bothersome which was discovered after conducting the survey. Therefore, this community is having trouble that should be given attention and taken initiatives that they need from the officials
Comments
Post a Comment