Survey Report of Community Obstacle Faced by the Citizens of Barangay Poblacion -- Santa Maria, Bulacan

 

    Citizen and Community Journalism: A survey report tackling about the experience of the individuals living in Barangay Poblacion -- Santa Maria, Bulacan. In this blog post, come with us as we embark on a JOURNey full of discovery and introspection, where every data point tells a story, and every interviewee becomes a storyteller.

MEMBERS:

Martinez, John Krist U.
Palaje, Andrea M.
Vite, Lia Maicah DC.


Respondent's Profile Information

Name

Sex

Age

Occupation

Address 

Lara Clarisse Bartele 

Babae

30

Nagtitinda/Extra

Poblacion, Santa Maria

Jolo Bautista 

Lalaki

22

Estudyante 

Poblacion, Santa Maria

Jr

Lalaki

51

N/A

Poblacion, Santa Maria

Anonymous

Lalaki

16

Estudyante 

Poblacion, Santa Maria

Ellen Gatchano 

Babae 

43

Karinderya/Tindahan

Poblacion, Santa Maria

Janeth De Jesus 

Babae

67

N/A

Poblacion, Santa Maria

Jerry 

Lalaki

52

Sari-Sari Store

Poblacion, Santa Maria

Michael 

Lalaki

25

Extra 

Poblacion, Santa Maria

Clarisse Victorino 

Babae

18

Estudyante 

Poblacion, Santa Maria

Jasmine 

Babae

18

Estudyante 

Poblacion, Santa Maria

Interviewees

Question #1: Ano sa tingin mo ang kinahaharap na problema o isyu sa inyong komunidad?


Lara Clarisse Bartele 

“ang problema ito tulad niyan, wire na ‘yan, naka-ano e live ‘yan, live.”


“Yung mga tambay na bata, kabataan na tambay sa gabi marami, napakarami.”

Jolo Bautista 

“Mostly ang kinahaharap ng ano namin community is ano basura…”


“... and siguro yung ano na rin mga taong chismosa kasi mahirap na rin ‘yun e…”


“... siguro yung kinahaharap ngayon traffic kasi marami ng tao ngayon sa sta maria…”

Jr

baha, kasi mababa yung mga daan tapos maliliit lang kanal kaya kapag umulan mabilis bumaha.”

Anonymous

“Yung sa barangay namin nagpapa-ano sila parang abuloy, pero hindi naman po talaga nila ibibigay sa mga mahihirap…”


“... kulang lang po sa patrol, kunware kapag gabi meron paring nag vi-videoke mga around 1 o'clock to 4.” 

Ellen Gatchano 

“Para sa akin kasi ano e... unang-una basura…”

Janeth De Jesus 

“Ang problema lang naman dito kapag umuulan, yung konting ulan lang baha kami, pero sa lugar namin tahimik naman.”

Jerry 

“... pag tag-ulan talaga binabaha rito.”

Michael 

Kahirapan, baha, tapos walang matirhan na maayos.”

Clarisse Victorino 

“Sa ’kin po kasi about sa basura…”

Jasmine

“Yung about po sa mga sasakyan na kung saan-saan na lang pinaparada, hindi maayos.”



Interviewees

Question #2: Sa tingin mo ba ay may epekto sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay ang problemang dinaranas ng inyong komunidad?

Lara Clarisse Bartele 

“Hindi naman kasi, pero syempre minsan kasi… naaalala ko lima yung anak [ko] syempre baka paglaruan ‘yan (wire) diba? ‘yun ang inaalala ko.”

Jolo Bautista 

“Yes, may epekto talaga ‘yun sa daily life… syempre ‘di siya healthy yung isang punto rin ay yung kapag mabaho tapos na i-intake mo siya hindi rin maganda… yung mga nagbabasura naman sine-segregate rin nila ‘yun ang kaso lang sa kanila naman nakaaapekto ‘yun kasi sila ang nag se-segregate, apektado tayo, sila rin.”

Jr

“Yung baha naman kapag umuulan lang na malakas… hindi naman kaya ayos lang.”

Anonymous

“Syempre po, mahirap naman ‘yun labag naman po samin na magbibigay lang kami tapos wala naman pala ring magagamit… tapos sa mga nagvi-videoke ng 1 to 4 (am), grabe naman po ‘yun sa mga estudyante no? tapos mga kumpare pa ng mga nagpapatrol do’n kaya ‘di sila sinasaway…”

Ellen Gatchano 

“Oo… Kumbaga [kapag] sa madaling-araw yung mga aso... [kinakalat] oo, edi kinabukasan… Ang dating naman ng basura is maaga naman kaya lang syempre pag maaga yung tao nakikita.”

Janeth De Jesus 

“Oo naman anak, kung isang linggo o kung minsan nagsi-siyam na araw ang ulan na walang tigil ano 'yun... baha kami ng gano'n.”

Jerry 

“Makaaapekto rin naman talaga, pero mabilis naman bumaba yung tubig ang kaso ang matitira yung mga balik, maglilinis ka ulit.”

Michael 

“depende”

Clarisse Victorino 

“Mayroon po… sa bawat araw-araw po kasi mga basura po kapag halimbawa po nakakalat lang.”

Jasmine 

“Sa akin po hindi, pero sa ibang tao po kasi ano po ginagawa na po nilang malaking isyu yung gano’n lalo na po pag sa tapat nila hinahambalang yung mga sasakyan.”



Interviewees

Question #3: Mayroon bang nagiging aksyon ang LGU? Kung mayroon ano ito?

Lara Clarisse Bartele 

“Oo, e si mayor naman umaaksyon naman agad kung i-a-ano ro’n, wala lang sigurong may lakas ng loob magsabi, kaya gano’n.”

Jolo Bautista 

“Mayroon naman… for example ‘yong pandemic sabihin natin nagbigay sila ng ayuda isa ‘yun… kahapon kasi nagbigay ‘yong ano namin ng profiling, pinakikita rin don kung sino pa ba yung taong buhay ayon parang nagbibigay pa rin naman sila ng importance sa mga tao sa amin, yung mga ganoon ba.”

Jr

“Mayroon naman yung mga pa-kanal nila kaso makitid.”

Anonymous

“Wala, kampi-kampihan na lang po sila, wala naman pong tumututol e, napapansin na lang po naming ibang estudyante at nakikita na lang po namin kung anong ginagawa nila.”

Ellen Gatchano 

“Mayroon naman, maaga naman, minsan kasi pinagsasabihan ko rin naman 'yong... 'yong mga kapitbahay namin kaya lang, o-oo ta's kinabukasan ayan na naman.”

Janeth De Jesus 

“E kasi ang ginagawa nila nililinis lang nila yung drainage na 'yan, gano'n lang.”

Jerry 

“Mayroon naman silang tinutulong… yung mga mayroon sila kapag bumabaha rito meron silang paglilipatan na mga facility.”

Michael 

“Hindi ko alam e.”

Clarisse Victorino 

“Mayroon naman po, kagaya po nung “Tapat ko, Linis ko”.

Jasmine 

“Mayroon naman po, sadyang mayroon talagang pasaway na mga kapwa natin na nilalabag yung mga batas.”



Interviewees

Question #4: Nagiging sapat ba ang proteksyon at tulong na mula sa LGU?

Lara Clarisse Bartele 

“Siguro sa iba oo, pero para sa akin hindi.”

Jolo Bautista 

“Tulong… sabihin na nating enough na ‘yon for me, pero sa iba kasi hindi ‘yon enough…”

Jr

“Ayos naman, pero kung ano mas okay naman talagang dagdagan diba? hindi naman nagpapabaya umaaksyon naman.”

Anonymous

“None.”

Ellen Gatchano 

“Ayos lang naman.”

Janeth De Jesus 

“Sila... Alisto naman sila kapag may mga kagaya naming binabaha rito, syempre hindi kami makababa may dumarating naman na rescue na ano... Alisto naman sila, napakabait nung aming ano rito.”

Jerry 

“Sa tingin ko sapat naman eh, parang sobra pa nga eh.”

Michael 

“Mayroon naman.”

Clarisse Victorino 

“Mayroon po sa amin, kasi po ano po sila yung 24 hours po silang nagbabantay, nagpapatrol po.”

Jasmine 

“Sa amin naman po, hindi naman po masyado, patrol lang po sila tapos ‘di na po nila tinatanong kung ayos ba yung ano… nagpapatrol lang po, gano’n.”


Interviewees

Question #5: Ano ang iyong suhestiyon na maaaring maging solusyon sa problema ng inyong barangay?

Lara Clarisse Bartele 

“Siguro maayos na talaga yung mga wire kasi delikado e. Tsaka yung mga bata na tambay ano ayon siguro.”

Jolo Bautista 

“Suggestion ko siguro sa ngayon wala naman kasi ‘di pa naman ako naaapektuhan pero kung para mga kapwa ko kabarangay, siguro ‘yong maging totoo sa pagboto kasi ‘yon yung pinaka point ko kasi sana kung gusto nila ng maayos sa pagbibigay sa buhay dapat maayos din yung nasa kataas-taasan para mabigay ng sapat, ng tama ‘yung mga bagay kasi for example sa financial sa pera ng bayan kasi kung sabihin natin kung maganda yung nasa taas edi maganda na rin yung sa baba kasi ro’n natin makikita na maayos yung pinanggagalingan ng bagay-bagay.”

Jr

“Siguro ay pakitaasan ang kalsada at palakihan ang mga kanal kaso nga walang paraan.”

Anonymous

“Pwede naman po as a homeowner sa poblacion, pwede naman po do’n na kami na lang yung magspread ng mga relief goods para sa amin, ‘di naman namin sure, at how can we assure na mabibigay talaga yung mga binibigay namin sa funds nila.”

Ellen Gatchano 

“Sa akin naman wala, kasi araw-araw naman ang... ang kuha ng basura, kaya lang minsan sa... sa Sunday wala sila. Magandang solusyon? Ahh... Siguro sa mga taong nakapaligid, siguro i-ayos na lang yung... yung pagtatapon kasi wala naman sa barangay 'yon nasa tao rin naman kasi 'yon…”

Janeth De Jesus 

“Ito kasi ang may-ari nito (lupa) yung Villarica ata… May bumibili siguro o kung ano… hinahayaan siguro na lang din na may kagaya namin nakatayo lang kami rito, bumaha man s'ya okay lang kasi wala kaming pera, nagtitiis kami ng gano'n.”

Jerry

“Sa tingin ko naman ngayon okay naman yung solusyon sa barangay… ang kuwan lang dito, 'yan tulad n'yan may road widening ulit pina-aayos na naman 'yan ang nando'n ginagawa. Pag siguro kapag na ayos na 'yan hindi na masyadong magbabaha rito tataas na yung kalsada e.”

Michael 

“Bigyan nila kami ng pabahay o kaya linisin nila yung ilog, gano’n lang, alisin nila yung mga nakatira rito, bigyan nila ng mga pabahay.”

Clarisse Victorino 

“Siguro po meeting mga gano’n, para maayos din po yung patakaran.”

Jasmine 

“... kasi hindi naman po lahat ng may sasakyan mayroong maayos na mapaparking-an, parang magbigay rin po sila ng space na pwede nilang pag parking-an.”



        In conclusion, the survey that the group conducted has found findings wherein 20% of the respondents said that garbage around their barangay was a significant problem, while a larger percentage of respondents answered that flooding as their leading concern in their community with over 50% of the respondents. Other concerns include lack of protection, traffic congestion, unequal access to housing and poverty.

    Overall, the results that the group garnered has come to a conclusion that environmental issues such as garbage disposal and flood management emerging as top priorities. With these issues, it is evident that we need to address this with holistic solutions and collaborative approaches. In order for the community to fully address these issues, community leaders should implement stricter rules and regulations to provide health, enhance community resilience and well-being. 


Comments

Popular Posts

Citizen and Community Journalism: Community Issues and Problems among Citizens in Brgy. Maguinao, San Rafael, Bulacan

In Barangay Malis