PAMALAKAYA, Pandi Residences I HOA Officers Survey Result
- Get link
- X
- Other Apps
CITIZEN AND COMMUNITY JOURNALISM
Survey of community issues/problems through local official(s)
Cristobal, Rizzel Ann
Lucillo, Marc Vincent
Zuniga, Thonie
Mr. Erik Tenedero
PAMALAKAYA PILIPINAS Chairperson, Fernando Hicap
Ayon sa mga mangingisdang nakapanayam namin, bukod sa bagyo at iba pang natural na kalagayan, ang pagtatambak ng basura sa pangpang ng navotas at pagkamkam ng lupa sa gitna ng manila bay ang pangunahing nakakaapekto sa kanilang produskyon. Ano po ang masasabi ninyo tungkol todito? | …Nagsimula iyung pagkasira ng Manila Bay, n’ung una ginawang basurahan iyan, natatandaan niyo yung Smokey Mountain, sa Tondo. Lahat iyon ay ginawang basurahan noong panahon ng diktaduryang Marcos. Tapos noong pinagbawal na iyon, nag-open naman yung Navotas-Obando Sanitary Landfill, ito yung fishpond, pangisdaan na ginawang basurahan. Nasakop niyan ‘yung Barangay Tanza at Obando. Tuloy-tuloy pa yan hanggang ngayon. Kasabay niyan yung pagtayo ng mga fishpond sa buong Manila Bay. Malalawak ang mga palaisdaan diyan dati na tinayuan. Lahat na ata, dating palaisdaan at asinan yan. ‘Yang Bulacan, mula Navotas to Bataan mga mangroves area yan. Lalo na yung aquaculture, marami yan sa bahagi ng NCR, Navotas going to Cavite mga mayayamang aquaculture area yan at napakalinis ng tubig. And sapat na sapat ang pangangailangan ng tao diyan… Kapag magha-harvest itong mga fishpond, gagamitin niya pesticide para mamatay ‘yung iba’t ibang may buhay na magiging kakumpetensiya ng kanyang isda.Tapos kapag high tide, papasukin ito ng tubig sa loob, kapag low tide papalabasin. Pero ‘yung pinakamalala at irreversible talaga yung impact, etong original reclamation sa Manila Bay na nagresulta ng pag-alis sa kabuhayan at bahay ng marami nating mga mangingisda at banta pa ngayon sa buong naninirahan sa mga mangingisda na natitira sa palibot ng Manila Bay at kapag nakumpleto na yung tulay at 32 na reclamation project na pansamantalang sinususpinde ng office of the president dahil sa malakas na pagtutol sa pangunguna ng PAMALAKAYA at mga environmentalist. Kaya lang baka anytime, matuloy kaya kailangan nating tutulan iyan. Kasi totally, hindi na natin maibabalik ang paligid. Hindi ‘yan tulad ng palaisdaan. Halimbawa, ‘yung mga palaisdaang inabandona tulad diyan sa part ng Bulacan, pwede nating ibalik ‘yon. Pagtanim sa mangrove area. Ang problema, kapag hindi na produktibo yung fishpond ay kino-convert to other use. |
Ano po kaya posibleng epekto ng tuluyang pagdeplete ng produksiyon ng isda at iba pang lamang dagat sa Manila Bay? | Edi ang talagang direktang apektado d’yan eh ang mga mangingisda natin kasi d’yan nila kinukuha ang kanilang pang kabuhayan kapag wala na yan automatic wala na silang ilalaman dun sa kanilang tiyan o kanilang pamilya. Pangalawa, yun nga yung tirahan imbis na ngayon mayroon silang tirahan na hindi pa sila nairerelocate doon sa kanilang komunidad kapag nirelocate na sila may pagbabayad na sila don eh ngayon habang wala pang pinakukunan ng pangkabuhayan. Kung sa future kapag nagtuloy-tuloy and totally na masira yung Manila Bay kasi sa ngayon pa lamang mga 80% na ‘no ang total production ng Manila Bay…. before after 2 years nang magsimula yung Eh.. ngayon 80% yung nawala na kita ng mangingisda d’yan, dredging diyan sa Manila Bay, yung reklamasyon, dito sa part ng Cavite, iyon nalang yung natitirang frontier ng coral reef sa Manila Bay ayun sinira nila, kaya darating ang panahon, ngayon nga lang ay nag- iimport na tayo lumalaki na ngayong taon 35,000 tonelada ang inimport natin paano pa kung wala na yung katulad ng Manila Bay na reclamation… |
Hindi ba dapat ay mayroong binibigay na sabsidiya ang gobyerno sa mga mangingisdang naapektuhan ng pagtatambak? | Ang pagkakatanda ko yung part ng Bulacan yung more than 700 family na napaalis na d’yan may binigyan lang ata may 20,000, may 50,000 at mayroon lang mga nabigyan ng bahay at lote yung mga anim na pamilya. Tinayuan sila ng bahay doon sa barangay Bambang, anim lang ‘yon sa 700 na family na nareport sa amin. Yung lang nabigyan dahil nga dun sa talagang iginiit nila ang kanilang karapatan sa tirahan at sa kanilang pangisdaan, kaya naobliga ang San Miguel Corporation na bigyan ng bahay at lote, pero bahay at lote binigay sa kanila aabutin din sila ng reclamation ng expansion ng Economic Pre-Potential Zone at ganon din pag natuloy ang demolition sa kanila. At sa ibang lugar mula nung 2001 hanggang 2002, dalawang taon matapos makapampanya natin iyan netong 2023 lang namonitor namin na nagbigay ng 2,500 kada isang tatlong buwan ata sa bawat mangingisda... pero di lahat ano pili lang yon, yung may bangka parang 5,000 parang binibigay hindi lahat ‘yon. Halimbawa nalang sa OVP, nabigyan lang ng mga mangingisda yung iilan ay dito sa may bahagi ng Wawa, Uno, Dos… pero dito sa ibang barangay pa diyan ay hindi nabigyan. At katulad ng dialogue ng representative ng San Miguel Corporation yung foreign construction para sa building reclamation sabi nila wala ng budget kaya wala ng nagawa. Yung part ng Noveleta nagpatawag ng consultation dialogue with the local government ng Noveleta nung 2023 iyon noong panahon na ‘yon ay hindi rin sila binigyan at hindi pa rin sila inaabutan at hindi rin sila kinikilalang apektado ng building reclamation kasi malayo naman daw ang Noveleta pero yung 3 kilometers from the shore ay Noveleta na, kaya hindi considered ay lalo na dito sa may bahagi ng Navotas at tsaka dito sa may Pasay ay hindi nabibigyan. Parang nabigyan sila one time ata nabigyan ng 5,000 pero hindi na sumunod yun. |
Ano po ang masasabi ninyo na maraming mangingisdang nai-relocate malayo sa kanilang hanapbuhay ang pilit tinatiyaga ang kawalan ng maayos na pahingahan at lingguhang uwi sa Navotas at Pandi? | Yan ang sinasabi kong epekto kanina. Kung wala silang kapasidad mag-rent o wala silang kamag-anak o matutuluyan kaya sumasabit nalang sila ng duyan sa mga puno-puno, kung saan makakapagpahinga. Kaya nakakaawa, para mabuhay lang. Dapat bigyan ng shelter, pansamantala. Pero ang kagyat natin ay dapat itigil na [ang reklamasyon]... kasi hindi talaga siya nakakatulong. Ang reklamasyon ay pakinabang lamang ng iilan, mga mayayaman, foreign investors. Pinapatay niyan ang kabuhayan natin at ating pangisdaan. Iyan ang dapat nilang (gobyerno) gawin. Pero parang hindi naman talaga gagawin ‘yun, sila pa nga sinisi. ‘Pag bumalik ‘yang mga ‘yan, hinuhuli. Sasabihin, pinaalis na kayo, bakit bumalik pa kayo? Binayaran na namin kayo. Kaya sa ating mga kababayan, ang kailangan natin ay paglunsad. Kapag hindi organisado ang mga mangingisda at ang mamamayan, limitado ang ating kapasidad na ipagtanggol yung ating mga karapatan. Masisingil natin yung mga responsable sa pagsira ng ating kalikasan kapag tayo’y sama-sama at organisadong lumalaban… Ang isyu natin, iyong issue ng Manila Bay…ay dapat nating tignan bilang yaman natin, isang patrimonya natin yan na dapat ipagtanggoll. Dapat pakinabangan yan ng mayorya, ng mamamayang Pilipino at hindi ng iilan. |
HOA Officer Carlos Caudilla
Mayroon po ba kayong maaaring ibigay o mai-ooffer na trabaho sa kanila sakali upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at magkaroon ng pagkakakitaan? | Kasi, iyan ang kinagisnan nilang trabaho yung pangingisda. Dito kasi, wala naman ditong dagat. Ang mamahal dito ng isda kaya babalik sila doon dahil mura ang mga isda kaya dinadala nila dito para kahit papaano may kaunting kikitain naman sila. Parang ganoon maliban nalang kung mag-offer ang pamahalaan natin ng magandang trabaho, pwede siguro iyon. Meron mga programa naman ang lokal natin katulad nung PESO. Ang PESO ang grupo ng panglabas. Nag-aalok sila sa mga taga-rito. Tulad niyan, nakapaskil na ‘yan. Pang-abroad yan. Matutulong sila niyan kasi ang mahg-aaply sa kanila niyan, yung PESO. Kaya lang ang [makakapansin] lang niyan ay mga mapag-usisa. Pag nakita yan, itatanong sa akin, ituturo ko naman kung saan sila pwedeng pumunta. Kahit naman mangingisda ka, kung may special skill ka. Makakapagtrabaho ka naman dito o kaya sa ibang bansa. Hindi naman lahat ng nag-iibang bansa mga propesyunal may mga experience yan. Parang kaagapay yan ng DOLE ganu’n. Hindi lang dito ‘yan. Basta nasasakupan ng Pandi, iyung hawak ni Mayor Roque, kasama yan sa programang ‘yan. |
Magagawan niyo po ba ng paraan para bigyan sila ng trabaho dito sa Pandi na kung saan kikita ng sapat upang hindi na umalis o lumuwas pa ng Navotas? | Ganun na nga, gamit ng kulang ng pinag-aralan, iyan ang mabilis nilang paraan para maitaguyod ang kanilang pamilya. Sa pamimili ng isda. Pupunta ng Navotas, Malabon. Mamimili ng isda tapos dadalhin dito. Kaya kung mura nilang binili doon pagdating dito [mahal na]. Kasi ang transportasyon ang mabigat. Maliban nalang kung mag-offer ang [lokal unit] na magbahay-bahay sila, magbigay ng programa dito na talagang naangkop sa mga kakayahan nila. |
Pangunahing suliranin pa rin ng ilan sa aming mga nakapanayam ay ang trabaho. Kaya po ba ng ating pamahalaan o barangay ang bigyan sila ng weekly o kahit monthly financial support or goods? | Sa buong [probinsya] ng Bulacan, number one tayo dito sa ayuda. Si Mayor Roque, ang ayuda sobra-sobra. Yung ibang [bayan] nga hanggang tatlong set lang sila, wala na. Pero si Mayor Roque kahit paano, itinaguyod niya naman. Naka-ilang [bigay] tayo? Nakawalong set yata tayo sa pamimigay ni Mayor Roque. Hindi naman gaanong kalakihan pero at least nakakatulong yung mga binibigay sa atin yung mga ayuda dito. Ngayon, nung nakaraang bagong taon. Yung pinabigay dito sa circle, yung pamaskong barangay. Iyon pang kalahatan iyon pero wala akong makwan na programa na nalaman na eksklusibo lang sa mga walang trabaho. |
Sa mga bagong lipat po na nanggaling sa Navotas, maaari po ba namin malaman kung sino po ang may hawak sa kanila magmula nang lumipat dito sa Pandi. Ang LGU po ba na pinagmulan nila o ang ahensya ng lugar na pinaglipatan nila? | Katulad nung unang lipat namin dito… ang budget noon nasa pinanggalingan pa namin. Hindi pa naililipat totally dito yung budget na hahawakan, katulad ko, [galing] Malabon ako. Yung budget namin sa pamilya namin nasa budget pa ng Malabon. Pag dito ka na nakarehistro, kasi binabasehan nila yan pagkarehistro sa boto. Katulad ko, rehistrado na ako, malalaman kung ilan taon na akong nandidito sa Pandi. Kaya lalaki na ang budget dito. Basta marami nang nagparehistro saka mabibigyan ng [mas malaking budget]. Pag dumadami na, ang nasyonal, magbibigay na sa atin, lalo na sa barangay, lalaki ang income ng barangay. |
HOA Officer Fernalyn Amoroso
Mayroon po ba kayong maaaring ibigay o mai-ooffer na trabaho sa kanila sakali upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at magkaroon ng pagkakakitaan? | Livehood pwede siguro po. pwede silang isali sa TUPAD. |
Magagawan niyo po ba ng paraan para bigyan sila ng trabaho dito sa Pandi na kung saan kikita ng sapat upang hindi na umalis o lumuwas pa ng Navotas? | Kasi yung mandaragat or pangingisda ang nakasanayan nilang hanapbuhay, kaysa mag construction sila. Hawak kasi nila ang kanilang oras kaysa mag construction. |
Pangunahing suliranin pa rin ng ilan sa aming mga nakapanayam ay ang trabaho. Kaya po ba ng ating pamahalaan o barangay ang bigyan sila ng weekly o kahit monthly financial support or goods? | Sa ngayon wala pang sapat na budget para sa food packs kung weekly silang bibigyan. |
Sa mga bagong lipat po na nanggaling sa Navotas, maaari po ba namin malaman kung sino po ang may hawak sa kanila magmula nang lumipat dito sa Pandi. Ang LGU po ba na pinagmulan nila o ang ahensya ng lugar na pinaglipatan nila? | Sa NHA or nasa HOA |
CONCLUSION
We interviewed two HOA officers and one NGO. The HOA officers have been in the office since the site was established in 2015 and are aware of the issue. They brought up current programs of the national and the local government to aid the residents' employment such as PESO and TUPAD, however, both admitted that the government's response tailored to fishermen’s needs was insufficient. On the other hand, the NGO recognized the call for help and flagged the government’s negligence to Manila Bay and its community as unjust. To add, we approached the barangay office of Mapulang Lupa and the Local Housing Authority but both did not agree to an interview.
- Get link
- X
- Other Apps
Comments
Post a Comment