Naobi Espiritu and Kenneth TuyayBachelor of Arts in Journalism 2A
Citizen and Community Journalism
SURVEY OF COMMUNITY ISSUES/PROBLEMS AMONG OFFICIALS
*Our group decided to ask atleast 3 Barangay officials about the issues or problems that their community experienced
Question 1.
Bilang opisyal ng Barangay, ano-anong mga suliranin o problema ang kinakaharap ng lugar na ito?
RESPONDENTS | BARANGAY ROLE | ANSWERS |
Mario V. Tuazon | Barangay Kagawad | Yun nga ah, kagaya nga ng aking binanggit, sa panahon ng tag-ulan o ng rainy season, ang problema namin dito is pagka-bumabaha. Unang-una kasi meron kaming under pass na tinatawag. Totally, pag bumabaha, malakas ang ulan, walang nakakadaan doon, nagiging access lang namin papasok sa loob itong ah, governor locality. Kaya namin sinasabing problema, incase pano kung mas malalim na problema, let's say ah mayroong emergency, eh ang nangyayari dito, ma-traffic dito eh, kaya ang kailangan namin mawala, masulusyunan sana yung ah problema namin pagka tag-ulan, yung sa under pass. |
Ma. Rizza M. Cardenal | Barangay Treasurer | Isa na po yung mga nakawan. Isa po yun, lalo na po dito sa National Road na hindi naman po namin ma monitor lahat ang mga nangyayari kasi iba-ibang tao po ang nagdadaan. Isa po yun, yung nakawan sa mga, siyempre po business establishments. Yun isa po yun sa problema. |
Kiel DC. Delos Santos | Barangay Kagawad | Isa sa mga suliranin na kinahaharap ng aming munting pamayanan ay kawalang disipilina ng mga mamamayan pagdating sa mga batas na pinaiiral tulad ng usapin sa basura, pagparada ng mga sasakyan sa lansangan, at mabilis na pagbaha sa panahon ng tag ulan. |
Question 2.
Ano-anong mga hakbangin ang isinasagawa upang masulusyunan ang mga problemang ito?
RESPONDENTS | BARANGAY ROLE | ANSWERS |
Mario V. Tuazon | Barangay Kagawad | Ang unang-unang inaano namin gaya pagka-umuulan, ah lagi kaming mga naka, may naka-ready na yung aming patrol, para magamit Incase na mayroong pangangailangan nga na malubha or talagang emergency cases tapos pagka naman bumabaha meron tayong sa Barangay na mga bangka para magamit lalo pagka baha. Yung humihingi ng mga saklolo, para napupuntahan nung ating mga Barangay Tanod o ng mga volunteers. |
Ma. Rizza M. Cardenal | Barangay Treasurer | Ah, isa po sa mga move ni Kap, pina-ano po niya yung peace and order namin. Yung amin pong hepe, yung mga tanod eh nagro-roading po sila sa mga lugar na merong naging nakawan. May mga cases na ganun tsaka po nagpalagay po kaming CCTV as you can see, may mga CCTV po kami. At yun pong mga business establishment, i-advised din po namin na mismong sila, maglagay ng CCTV nila para incase na magkaroon ng problema, may basehan if ever na di sila sakop ng CCTV namin, may basehan sila in the future kung merong maging problema sila. |
Kiel DC. Delos Santos | Barangay Kagawad | Ang mga hakbang na aming ginagawa ay patuloy na pagpapaala-ala sa mga dapat gawin at sundin ang mga patakarang pinaiiral sa aming pamayanan sa pamamagitan ng pagpapaseo at social media sa tulong ng mga ilang opisyal ng pamahalaan. |
Question 3.
Mayroon po bang mga problema ang Barangay noon na ngayon ay hindi na nararanasan o masasabi nating nabigyan na ng solusyon?
RESPONDENTS | BARANGAY ROLE | ANSWERS |
Mario V. Tuazon | Barangay Kagawad | Meron, yung kagaya wari dako tayo sa sports, ah nung dati kasi kami, ang basketball namin is isa lang. Yung problema sa sports ang tinatalakay natin. Ngayon, yung ating butihing Mayor JonJon Villanueva ay nagbigay ng pondo para makapagprovide ng isang another court ulit. Supposed to be, nakapagpaliga na kami last year doon. Kaya ang basketball court sa Turo is bali dalawa, isang covered court at isang open. |
Ma. Rizza M. Cardenal | Barangay Treasurer | Parang ano po, parang the same pa din po. Kasi yun pong mga problema namin ngayon, parang minana lang din po namin dun sa past administration pero since bago po yung aming Kapitan, ginagawan naman po lahat ng paraan para maayos. |
Kiel DC. Delos Santos | Barangay Kagawad | Ilan sa mga problema o suliranin na unti unting nabibigyan ng solusyon ay ang pagsasaayos ng mga street lights, paglalagay ng ilang CCTV cameras, tamang schedule ngpaghahakot ng basura at paglilinis ng kapaligiran p kalsada. |
Question 4.
Paano niyo nabibigyan ng kamalayan o naipapahayag sa mga residente ang problemang mayroon ang Barangay upang sila ay makiisa sa pagresolba ng mga suliraning ito?
RESPONDENTS | BARANGAY ROLE | ANSWERS |
Mario V. Tuazon | Barangay Kagawad | Ah, nagko-conduct tayo ng ano, ng parang meeting. Nanghihikayat tayo especially sa mga ginagawa natin yung mga kabataan, para sila yung mas malapit sa mga tao, mga bata para maideliver o maipasa sa kanila, yung maipaliwanag sa kanila yung mga problema ng ating Barangay. Especially dun sa mga gaya ng basura. Kailangan kasi every year magkakaroon tayo ng ah, dissemination diyan sa ano eh, pagpapaliwanag, pagbubukod ng mga nabubulok at hindi nabubulok. Yun ang special, yun ang problema kahit sa ibang Barangay o bayan, yan ang problema, yung basura. |
Ma. Rizza M. Cardenal | Barangay Treasurer | Ano po, katulad po ng may mga Barangay Health Workers kami, meron kaming mother leader, through them, napaparating po namin sa aming mga constituent na meron tayong ganitong sitwasyon ngayon, kailangan mag-ingat kayo ganun, through them napaparating namin sa kanila. |
Kiel DC. Delos Santos | Barangay Kagawad | Nabibigyan natin ng kamalayan ang mga residente sa pamamagitan ng social media, pagpapaseo o public address, at sa tulong ng ating mga barangay workers upang mabilis na ipaalam sa mga residente ang mga problema at mga kinakailangan sa ating pamayanan. |
CONCLUSION:
Barangay Turo and its officials have problems that they put their focus on. There are prominent difficulties that the officials addressed such as the flood, the discipline and the security in their community. They stated how they are managing to give the citizens the services that they need especially in terms of their safety by installing CCTV cameras, caring for the environment and the betterment of their barangay and its people. The officials of this barangay encounter problems that are interconnected with what the citizens have and stated. The prioritization of the well-being of the citizens in their barangay is their target. They do actions that provide solution to these kind of problems in the best of their capabilities as officials
Comments
Post a Comment