Local Government Unit of Barangay Sta. Cruz, Sta. Maria, Bulacan Responded to Sitio Gulod's Community Problems
![]() |
Baranggay Hall of Brgy. Sta. Cruz, Sta. Maria, Bulacan. |
Citizen and Community Journalism: We are tasked to interview local officials to raise the common issues/problems encountered by the Sitio, Barangay, or Municipality and we choose Sitio Gulod in Barangay Sta. Cruz, Sta. Maria, Bulacan. Last week, we interviewed 16 citizens of Sitio Gulod to address their common problems in their community and this week, we interviewed the Barangay Counselors and the Barangay Captain of Brgy. Sta Cruz to raise the issues addressed by the citizens of Sitio Gulod.
Members:Roma, Veronica A.
Estrella, Jc Frelle Anne D.G.
Dimla, Angelica
Interviewee #1: Capt. Resty Dela Cruz
Question: Ano po yung tingin niyo na mga problema sa komunidad ng Brgy. Sta. Cruz? At ano-ano po yung mga programa o solusyon na nagawa o ginagawa po ng ating baranggay para sa problema?
"Dito sa barangay Sta. Cruz, Santa Maria, Bulacan, isa sa mga pangunahing problema rito ay yung ating basura. Hindi lang siguro rito ang problema ay basura at ito naman ay problema ng halos lahat. Dito sa bayan ng Santa Maria, 24 barangays, iyan ang isang problema, yung basura—lahat ng barangay. Alam niyo ho ang basura—ngayon kasi sa barangay natin meron tayong dalawang subdivisions, ang Sonoma at Amaia na kung sa tutuusin dito sa barangay natin ay di naman natin pinoproblema dahil kakaunti ang volume ng tao, kakaunti ang basura. Ngayon, nang dumami na ang mga kabahayan dito, siyempre dumami ang tao, dumami na rin ang volume ng basura. Dati ang population lang natin dito ay mga nasa 6 thousand e ngayon ang population ay nasa 22 thousand na dahil sa mga subdivisions. Alam niyo nito lang nakaraang araw nakipag-set ako ng meeting dito sa Sonoma subdivision at napag-usapan namin ang dami ng basura nila at marami rin ang nagrereklamo. Dahil yung basura nila ay hindi natin makulekta nang halos lahat. Kasi sa loob ng isang linggo three times namin kinukuha yung basura nila, di pa namin makolekta [lahat]. Ang aming truck ng basura ay dati dalawa lang at nitong nakaraang December ay bumili pa ako ng isa kaya naging tatlo, gayunpaman, kulang pa rin. Ang isa sa naging solusyon namin sa basura sa Sonoma ay magtayo sila ng sarili nilang MRF o Materials Recovery Facility, doon tinatambak ang mga basura at sine-segregate. Nag-suggest naman ang Sonoma ng isa pang solusyon na kung pwede raw bang sila ay mag-provide ng isang truck na malaki at iyon ang ipanghahakot ng kanilang basura na ngayon ay ini-implement na nila. Nagdagdag din tayo ng mga tao para maghakot ng basura. At siyempre yung tamang segregation ng bawat bahay ay isa rin sa makakatulong sa problema natin sa basura."
"Yung kalsada sa Gulod ay naipagawa sa tulong ng dating Mayor Ato. Hindi pa lang din maayos ang drainage sa gilid noon dahil wala pa naman naibababang budget sa barangay dahil katatapos lang ng election."
"Isa ring problema ng barangay ay yung street light. Noon nagbabayad ako ng P80,000 per month na electric bill kaya nagpagawa kami ng solar para na rin sa safety ng mga residente dahil kung minsan ay napuputol yung wire gawa ng malalakas na ulan o minsan e sumasabit sa truck, alam niyo naman na bumabaha rin dito dahil hindi nga maayos ang drainage so marami ang benepisyo ng solar. Sabi ko nga e ayoko na kako ng pinapagawa natin na temporary lang—makapagkabit ka lang ng ilaw o basta malagyan lang tapos inaayos pero yung konsumo ng gastos natin na kung tutuusin ay mas malaki yung matitipid sa trabaho na ayos na ayos at pangmatagalan."
"Yung mga kuryente naman ay nagawan natin ng paraan, pinatayuan natin ng mga poste. Ngayon mayroon pa ring mga linya ng kable na nandoon. Actually iyan ay dapat sagot na ng mga bahay-bahay kasi personal na [gamit] nila yan e na dapat yon ay ipalipat na sa tamang lagayan."
"Sa Sitio Gulod, actually, 4 times na kaming sinusulatan at nabibigyan na kami ng memorandum galing sa Office of the President na sinasagot naman namin. Iyan naman ay pinupuntahan namin, aalisin naman nila tapos the next month babalik na naman sila. Nagro-road clearing naman kami na iyon ay hindi nila dapat paradahan. Iilang tao lang naman iyan e, sabi ko nga kay Konsehal Romi na sabihan na yung mga tao ron kasi kung iyan ay papupuntahin pa natin sa mas nakatataas ay pwede pa silang makasuhan at magkakagastos pa sila. Iyan namang Gulod ay iisang pamilya lang sila, magkakamag-anak kaya ang sabi ko mag-usap-usap sila. Wala kasi silang parking para sa mga sasakyan nila na naiintindihan naman namin dahil doon sa sasakyan nila e doon na sila kumukuha ng ikabubuhay nila, yung pamamasada ng tricycle at ng jeep na iisang pamilya lang naman sila kaya sabi ko mag-intindihan na lang kayo. Kung tutuusin e bawal nga talaga mag-park dahil nasa batas iyan yung road clearing kaya kung may magreklamo e sabi ko kausapin na lang nila yung nagreklamo dahil baka ma-impound pa yung mga sasakyan nila e nakakaawa naman at iyon lang ang hanapbuhay nila."
Interviewee #2: Kon. Jhun Venancio
Question: Ano po yung tingin niyo na mga problema sa komunidad ng Brgy. Sta. Cruz? At ano-ano po yung mga programa o solusyon na nagawa o ginagawa po ng ating baranggay para sa problema?
"Common problem dito sa ating lugar sa ating Barangay is basura talaga. Sa ngayon kasi ang ating panghakot ng basura ay tatlo yung dalawa ngayon pinapagawa yung isa sira yung flooring yung isa sira gung clutch kaya isa lang yung humahakot. Kaya medyo nadedelay yung hakot ngayon ng basura. Pero yan naman ay magagawan ng paraan dinodoble namin yung effort yung power namin para makahakot parin kahit na hanggang gabi makahakot para ng sagayon mabawasan yung basurang nakatambak sa atin."
"Kanina nabanggit nyo yung parking yung kasing lugar natin sa saloma medyo makitid yung daanan double parking kaya hirap ng pumasok ang ating truck kaya yung basura minsan di na nadadaanan ng truck at kami naman nakikipagugnayan sa developer at home owners ng sa gayon magawan ng paraan yung problema tungkol sa double parking ng sa gayon derederetso yung paghahakot ng basura ng ating mga taga garbage collection."
"Ang sitio gulod kasi ah alam nyo ang problema dyan medyo makitid kasi daan kung mapupunta kayo dyan unang una palang pagpasok nyo palang marami ng nakaparking at yan nakikipagugnayan kami ngayon sa TMU kasi how many times na kami nagpupunta dyan pinakiusapan na namin yung mga may ari ng sasakyan na nakaparada dyan sa gilid na alisin sumasagot sila oo ganyan pipirma sa kasulatan na dala namin pero after non kinabukasan nandyan nanaman yung mga sasakyan kaya kami ngayon nakikipagugnayan sa TMU sa Traffic Management Office namin na gawan ng ticket ba, titicketan yung mga sasakyan natin ng sa gayon madala o magkaron ng aral sa kanila tapos ngayon yung daan dyan sabi ko nga kanina makitid hindi agad mapasok ng mga truck ng basura ang ginagamit namin dyan ay yung tawag dito, yung kolong kolong. Para yung mga basura natin sa taas mahakot ililipat naman sa truck. Yun ang ginagawa naming solusyon."
"Sa panghuhuli naman ng aso nabanggit nyo kanina yung mga stray dogs actually yan ang hawak kong ah nung kagawad ako ng agriculture dati yan ang una kong problema dyan nung panahon na ako may hawak dyan kasi hindi talaga papasok dun yung sasakyan ng munisipyo kaya yung aso di namin mahuli 'di naman pedeng hulihin yung aso sa gulod ibaba namin sa kalye bawal yun diba meron tayong batas dyan na hindi mo pupwedeng saktan yung aso kahit na iyan ay nakakawala aso pa rin yan. Meron tayong batas na ipinagbabawal na saktan ang aso kaya di natin mapasok ang Gulod."
Interviewee #3: Kon. Romy Dela Cruz
Question: Ano po yung tingin niyo na mga problema sa komunidad ng Brgy. Sta. Cruz? At ano-ano po yung mga programa o solusyon na nagawa o ginagawa po ng ating baranggay para sa problema?
"Kaming mga nanunungkulan, wala kaming pinangarap sa aming mga ka-barangay kundi sila ay matulungan at maayos lamang. Mayroon kaming mga pamamaraan, halimbawa itong street light, ito dati lahat ng Sitio sa Sta.Cruz ay meron. Kaya lang lahat ng budget ay dun lamang napupunta sa kuryente kaya’t nagisip kami ng paraan kung paano masolusyunan at naglagay nga po kami ng mga solar lights para mabawasan ang billl sa kuryente”
“Ito namang sa basura, hindi lang naman Brgy. Sta. Cruz ang may problema dyan, ang buong mundo. Ang pagkakaalam ko iyan ay isang malaking problema. Ang basura ay parang kabuti, kapag tinggal mo ngayon maya-maya nandyan na naman. Ang dump site natin di naman lumalaki kundi punong puno. Tapos ang truck namin nasisira yan, may pangyayari na naayos lumilinis ang buong Sta. Cruz. Hindi naiintindihan ng mamamayan na kapag nasisira ang truck tumatagal ng araw”
“Ito namang mga aso, mayroon din kaming programa dyan kaya lamang ang isip ng tao hindi pare-parehas. Mayroong may-ari ng aso ilang beses pakiusapan 'di sumusunod. Kapag nandyan ang manghuhuli pinapapasok sa loob ng bahay ang aso kaya di namin maaring pasukin dahil bawal. Sa mga pagawain naman, kailangan ng pondo. Hindi napondohan dahil nakalaan ang pondo sa bibiling lupa para sa itatayong cover court. Para naman sa street lights at cctv siguro tulungan nalang at kaya naman sigurong i-produce ng may bahay.”
Interviewee #4: Kon. Unyo Gimeno
Question: Ano po yung tingin niyo na mga problema sa komunidad ng Brgy. Sta. Cruz? At ano-ano po yung mga programa o solusyon na nagawa o ginagawa po ng ating baranggay para sa problema?
"Pangunahin po naming poblema ng aming Barangay ay ang basura. Ginagawa naman po namin ang lahat para maiayos ang paghahakot ng basura sa aming Barangay. Lunes at Martes ay sakop ang mula eskwelahan maging Gulod at marami pang iba. Araw araw ay may schedule ang pagkuha ng basura upang malinis at maiayos ang mga ito ngunit ngayon ay sira ang truck kayat humihingi kami ng pangunawa.”
“Yung parking naman ay pupuntahan ng TMU. May programa na para sa mga parking at mayroon na ring mga penalty para diyan”
“Isusulong ko na ang pagpapagawa ng mga street lights.”
Interviewee #5: Kon. Rolando Santos
Question: Ano po yung tingin niyo na mga problema sa komunidad ng Brgy. Sta. Cruz? At ano-ano po yung mga programa o solusyon na nagawa o ginagawa po ng ating baranggay para sa problema?
"Una unang problema po dito sa bayan ng Sta.Cruz... sa basura yun po ang unang una. Mayroon ding gulo... Sa problema, marami pero inaayos namin paisa isa."
"Sa dami ng basura rito sa Sta. Cruz eh... Una una. Kasi kulang kami sa ano eh panghakot ng basura, pangalawa sa driver, pero naaaksyonan naman."
"Basta kapag inano [nireklamo] nila, halimbawa eh sa kanal, uunahin muna namin kanal. Kapag sa aso... Nako bahala na sa aso. Kaya lang po, kaniya kaniya po eh, inuunti unti namin halimbawa po kung gulod, gulod. Doon muna kami lahat. Inaayos namin. Ginagawan naman ni Kapitan ng paraan, basta po ganon, hindi po namin pinapabayaan."
Conclusion
To summarize, Barangay Counselors and the Barangay Captain are aware of the common problems of their barangay including Sitio Gulod. Based on them, the number one problem of their barangay is the increasing amount of garbage. They also admitted that the collection of waste was delayed because their garbage truck was broken and not enough. They also address the illegal parking and according to them, they are currently communicating with the Traffic Management Unit to punish the vehicle owners in the Sitio, however, the Barangay Captain doesn't want that to happen since it was the vehicle owner's source of income. While the poor drainage system in Sitio Gulod will not yet be solved as also explained by the Barangay Captain because there is no fund allocated to fix Gulod's drainage.
Comments
Post a Comment