Citizen and Community Journalism
Hagonoy Government Officials’ Survey
Members:
Agulto, Aira
Dela Cruz, Trixie
Manangan, Farrah C.
This is the transcript of our interview with the government officials from the barangay and municipal district office. Our interview with them solidified the opinions of the residents regarding the struggles faced in the community, as the officials confirmed and showed sympathy with the shared experience. Unfinished dyke and road construction is also the problem of the community as per the government officials. They also pinpointed faults from the upper government that contributes to the prolonged problem. They hoped for the higher government to listen to the people’s concerns and help them live a better life in a better community environment.
Name: Alfredo Lunes Position: Barangay Kagawad | Age: 56 |
Ilang taon nang nakatira sa barangay?
| “Since birth” |
Ano po ang mga problemang nararanasan niyo dito sa inyo pong barangay?
|
“Baha, lumalaki yung tubig kasi napag-iwanan na rin ng dating kapitan hindi napagawa yung mga daan.”
“pero gumagawa kami ng paraan ngayon nilapit nanamin sa governor baka sakaling mapakinggan yung kahilinga namin tataas yan bago matapos yumg termino”
“sa lahat ng nakita naming sitwasyon ito ang napag iiwanan, pugad, kung alin yung tabing dagat yun yung di napapansin bilang priority”
|
Mayroon pa po bang ginagawa ang lokal na gobyerno bukod po paglalapit ng request sa mga nakatataas? At ano po ang mga plano po ninyo ukol dito?
|
“yun nga yung mga pader at kalsada yung mga napag iwanan na dati ayun nilapit na namin mag intay lang kung ano yung magiging resulta, meron kaming inaasahan na talagang nilapit na namin mag-intay na lang din”
“kasi alam naman natin yung pulitiko ka pag mag e-eleksyon diyan palang sila kikilos, sa isang taon kikilos yang mga yan”
“ Ngayon kasi hindi mapapansin basta basta, kaya sa isang taon siguro kung anong hingin mo bibigay nila”
“ Gumawa narin kami ng request at nilapit narin namin, ang di ko alam ay kung kelan nila ibibigay” |
Name: Editha G. Cruz Posisyon: Mother Leader | Edad: 50 |
Ilang taon nang nakatira sa Brgy, Pugad?
|
“Kasi… nung bumalik kami dito 2012”
|
Nagsarbey po kami sa mga tahanan dito sa barangay Pugad. Ayon po sa mga residente isa sa nakikita nilang primaryong isyu ng komunidad ay ang yung dike. Sumasang ayon po ba kayo sa mayorya ng inyong nasasakupan?
|
“May katotohanan naman po atsaka isang ano pa eh yung yung paglubog nga ng kalsada yun ang pinaka problema… number one iyon ang pinakaunang problema.” |
Meron po bang mga hakbangin na ginagawa ang gobyerno para tuluyang masolusyunan itong problema?
| “nagpatayo sila ng dike kaya lang hindi natatapos… kagaya nyan nilalagyan ng dike, nasira hindi pa nayari nasira na… kaya hindi rin nasolusyunan ang pag lubog… kaya pag may umalon diyan yung salpok ng alon “
“yung pinto namin nagigiba maraming nagigibang bahay diyan kaya yung mga ginawa nilang pader galing sa governor sandali lang sira na. ewan ko wala atang laman o tinipid ba.”
“ eto sariling gawa namin ito ( sementadong pinataad na daan sa tapat ng bahay ) kasi kung hindi namin yan pinagawa apektado kami lalo na pag umalon”
|
Gaano nyo na po ito katagal na nararanasan?
| “Nung mga bata pa ako ang kagandahan nyan ay… siguro mga ano siguro mga 13 years as in bata lang ako noon.” |
Ano ang epekto nito sa inyo bilang individual at komunidad?
|
“Ayon maraming nasisirang na gamit yung mga taong mabababa ang bahay walang matulugan lalo pag gabi yun ang pinaka problema delikado sa kanila…. pag ka hanapbuhay nawala.”
|
Comments
Post a Comment