Survey Questions
Age
Years of Residency
What are the current issue/s happening in your community? (Anu-ano ang mga napapanahong isyu na nangyayari sa inyong lugar?)
How can these issue/s affect your daily life? (Paano nakakaapekto ang mga isyu na ito sa iyong pangaraw-araw na buhay?)
What do you think are the root causes of the problem happening in your community? (Ano sa tingin nyo ang sanhi ng mga isyung nagaganap sa iyong lugar?)
Do you believe that the problem is known to other community members? (Sa tingin niyo, alam ba ng mga ibang tao nakatira sa inyong lugar ang isyu?)
Results

Figure 1: Age Range of the Respondents
Presented in Figure 1 is the age range of the respondents of the community survey. 3 out of 10 respondents are in the age range of 61 to 81 years old while there are 3 respondents whose ages are ranging from 51 to 60 years old. 30% of the respondents are in the age of 30 to 40 years old and one (1) respondent is in the age range of 16 to 20 years old.

Figure 2: Number of Years of Residency of the Respondents
In the figure above, it is presented the data for the number of years of residency of the respondents in Purok 2, Sto. Rosario, Hagonoy, Bulacan. 50% of the respondents said that they have been living in the community since birth while 10% of the respondents said that they have been living in the area since childhood. Two (2) of the respondents answered that they have been living in the area since their teenage years and another two (2) respondents said they have been in the area for 20 to 30 years.
Question 1: What are the current issue/s happening in your community? (Anu-ano ang mga napapanahong isyu na nangyayari sa inyong lugar?) |
1. | Daanan namin nilulubog. Hanggang bewang ‘yan pagkamalaki tubig. Pagka yung hightide 5’2, tas sinabayan ng bagyo hanggang bewang. |
2. | Baha, laging problema dito sa Sto. Rosario. |
3. | Pangkaraniwan, dahil maraming mahihirap, walang ginawa kundi magbisyo, madalas yung gulo. Sigurodahil sa dala ng kahirapan inuwi nila sa bisyoang dapat na iniisip nila sa pamumuhay. Madalas nababarangay yung mga tiga-looban. Dahil sila'y nagiinoman, nagkapikunan magaaway-away. Yun ang permanente naming problema sa looban.
(Interviewer: Wala pong pumigil sa away?) May oras na tumatawag ng barangay pero ayaw namang magpa dala. Katulad niyan piyesta sa linggo, ang pinangangambahan namin king kaming matatanda nas, di na naman kami makakatulog. Walang oras na pinipili. |
4. | Ay, dito lang kasi, magulo, pagka nalasing sila-silang magkakapatid ay nagaaway-away pero kapag hindi naman lasing e mababait naman. Iyon murahan nang murahan. E kahirapaan, syempre e trabaho lang naman nila e diyan nangangalakal, sa palaisdaan, tambak saka hindi sila nakatapos. |
5. | Lumalaki ang tubig… [pero] kumakati. |
6. | Basura po. Makalat. |
7. | E kuwan ano nagkaroon na ng ilaw ang daan, maliwanag na.
(Interviewer: Yong dati pong problema ay wala pong ilaw?)
Oo, saka laging baha. Laging hightide.
(Interviewer: Hanggang saan po umaabot ang hightide?)
Nakikita mo ba ang iyon...lumulubog 'yon, yung butas butas na 'yon (hanggang hita ang taas ng nasabing butas butas na bintana)...e 'yan katataas lang niyan, e pati [raw] daan e itataas, ewan ko lang kung kailan. |
8. | Wala namang iba kung hindi baha lang.
(Interviewer: Minsan po hanggang saan yung baha, yung hightide?)
Ayon, abot hanggang bewang. Pinaka 5.2 at hanggang tuhod |
9. | Isyu dito? Ano ang problema? Ala naman, okay naman. Ay! Ala naman hinahakot naman yung basura. (Interviewer: Gaano po kadalas?)
Minsan e tatlong araw |
10. | Ede yung laging baha
(Interviewer: Gaano po umaabot yung taas ng baha?)
Aba minsan yung parang d’yan hanggang dito na. Lubog na itong bahay namin.
(Interviewer: Madalas po ba yon?)
Hmm, Hightide. Sa may nyan malalaki na tubig, di na makakalakad |
Table 1: Answers for Survey Question #1
Question 2: How can these issue/s affect your daily life? (Paano nakakaapekto ang mga isyu na ito sa iyong pangaraw-araw na buhay?) |
1. | Talagang nakakaapekto sa mga estudyante
(Interviewer: Paano po 'yon?)
Hinahatid sila ng mga magulang hanggang sa eskwelahan. Lalo don sa may HI (Eskwelahan) hanggang bewang din do'n. Basa e mga damit namin.
(Interviewer: Edi hindi po sila naka-uniform?)
Nakauniform naman kaso buhat-buhat ng magulang. |
2. | Yung baha laging pumapasok sa bahay, laging lubog sa kusina, lubog sa kalsada, hindi makapaghanapbuhay yung mega tricycle driver lalo na yung may mababang tricycle. (Interviewer: Gaano po kataas yung baha?)
Tulad n'yan, 3’9, lubog yung kalsada pero humuhupa naman. |
3. | Puro kami hindi makatulog ng maayos. Syempre, mauuwi sa marites. |
4. | Kapag may nag-aaral maingay, di makapag-aral ng ayos. Saka kapag natutulog katapos hating-gabi nag aaway. (I: Hindi po ba sila nag-aaway ng umaga?) Hindi, basta nagsisipag-trabaho kasi pag dating don na nagsisimula.pero pag di naman nakakainom, mababait nadadala lang ng espiritu. |
5. | Nawawalan daw po ng kabuhayan. |
6. | Sa gabi yung baha...tatlong oras kakati naman. Minsan napupunta sa araw.
(Interviewer: Ano po ginagawa niyo kapag may hightide po?)
Ala, lalabas ka rin, kailangan mo mamili ng pagkain. |
7. | Ay talagang apektado. lahat ng tao ay apektado. kami kaya't 'di lang apektado e naitaas bahay namin. e kauna unahan kaming apektado...minsan nadudulas mister ko.
(Interviewer: May mga aksidente po?)
Oo. Syempre. |
8. | Syempre minsan eh hindi makapag hanapbuhay at malaki ang tubig. |
9. | Dito sa? Ay, Ah apekto sa basura? Hindi naman.
(Interviewer: Maayos naman po yung pagkakaano [pagkakakuha] ng basura?)
Oo, naayos naman. |
10. | Eh kasi pag may trabaho ka hindi ka makakalis kasi wala kang masakyan. Malaki epekto non. pangit. Pangit pa sa kapaligiran, nasisira yung mga labahan, diba? |
Table 2: Answers for Survey Question #2
Question 3: What do you think are the root causes of the problem happening in your community? (Ano sa tingin nyo ang sanhi ng mga isyung nagaganap sa iyong lugar?) |
1. | Mga kalat ganon, mga dating palaisdaan, ngayon basurahan na.
(Interviewer: Meron naman po bang naglilinis ng mga basura?)
Meron, doon nga lang sa kalsada
(Interviewer: E dito po sa looban?)
Kami-kami na. |
2. | Siguro sa, climate change, sa palaisdaan, sa mga nagtatapon ng basura, bumababaw yung ilog.
(Interviewer: Wala po bang naghahakot ng basura dito?)
Dati, merong kumukuha ng basura sa ilog pero ngayon wala na |
3. | Dala ng kahirapan. May mga trabaho pero syempre, walang pangarap sa buhay. Diyan sa looban, may bahay sila don. lisang lahi lang kasi. Buti kami'y nalinis. Ayan, pagdating ng hating gabi, magsisigawan, magpapanic magigising na din kami. |
4. | Nagtatalo-talo, syempre.
(Interviewer: Pera po?) Hindi, mga lasing lang kasi
(Interviewer: Mga biruan po?)
Oo, ganon lang. |
5. | Lagi naman ganon, 'di nagbabago |
6. | E siguro po bumabalik po yung mga basura. |
7. | Ay e pakiramdam ko dahil sa basura. e syempre natatambak sa ilog...bumabara, ganon. |
8. | Siguro yung mga basura, mga kalat na rin. |
9. | Walang mapaglagyan e, saka hindi disiplinado mga tao |
10. | Climate change saka mga tambak na basura |
Table 3: Answers for Survey Question #3
Question 4: Do you believe that the problem is known to other community members? (Sa tingin niyo, alam ba ng mga ibang tao nakatira sa inyong lugar ang isyu?) |
1. | Oo, yun nga yong pinaka problema namin. Lalo kapag tinataasan yung kalsada.
(Interviewer: Nasabi nyo na po iyon sa barangay?)
Oo, sinukatan na nga ‘tong looban namin e, may balak gawain ‘to. |
2. | Siguro, alam din nila. |
3. | Oo, marami naring record ang barangay ang hindi lang namin malaan kung, kasi nakakaawa. Gusto ko na ring mag-report kaso nga lang nakakaawa kaya di namin mapaalis kaya nagtitiis na lang kami. |
4. | Oo naman, halos sila nga lang napupunta sa barangay kaya minsan e pag nagkakagulo diyan, tatawag ng barangay tas sila lang rin naaano ng barangay. Kapag di naman nakakainom, mabait. |
5. | Oo, alam naman. E kaso, ano magagawa natin e palagi naman...mababa kasi, kakatambak ng daan e syempre iyong daan ay mababa, ayon ipapagawa ng gobyerno, ay e samin ang naiipon lagi ang tubig sa likod.
(Interviewer: Bali napupunta po sanyo lahat po ng tubig?)
Oo. |
6. | Oo. |
7. | Oo. Oo naman.
(Interviewer: Alam naman po ng barangay po?)
Oo naman, syempre iyon lang barangay. [Tinuro direksyon ng barangay hall]
(Interviewer: E may action naman po ang barangay po?)
Syempre. kung may action man 'di naman paura-urada maaaksyunan, 'di ba? |
8. | Oo naman, pero ala rin. Ala pa silang [lokal na gobyerno] budget para d’on. Sabi gagawin daw ‘to, hanggang ngayon wala pa. |
9. | Oo, yung, ano, yung [barangay] bale pinapaano [pinapalinis], may tao naman sila |
10. | Oo, kasi apektado naman lahat.
(Interviewer: Yung ano po, alam naman po ng barangay? Ano po ginagawa ng barangay?) Barangay? Wala naman silang natutulong eh. Siguro pag bagyo lang, namimigay lang sila ng pagkain, lugaw ganon. Tuwing bagyo lang, pag may kalamidad lang |
Table 4: Answers for Survey Question #4
Conclusion
In conclusion, the majority of the citizens in Purok 2, Sto. Rosario, Hagonoy, Bulacan face frequent flooding. The age distribution of the respondents is diverse, with the majority living there for a long time. The recurrent flooding, attributed to high tides and climate change, significantly impacts daily life, affecting students, livelihoods, and overall well-being. Root causes identified include poor waste management, lack of discipline, and socio-economic factors.
Although the barangay is aware of it, not much is being done about it. Despite efforts to address certain problems, such as waste management, the community faces on-going challenges, indicating a need for sustained and comprehensive interventions. Through the survey, it is shown that the community is actively looking for a solution.
Comments
Post a Comment