Phase 5B, Phase 5A, and Phase 6, Pandi Residences I Survey Results

CITIZEN AND COMMUNITY JOURNALISM 

Survey of community issues/problems among citizens



Phase 5B, Phase 5A, and Phase 6, Pandi Residences I, Mapulang Lupa, Pandi, Bulacan


Cristobal, Rizzel Ann

Lucillo, Marc Vincent 

Zuniga, Thonie 




Mr. Erik Tenedero




  1. A. Profile of the Respondents.

No.

Name

Age

Locality

1.

Renerio Jimenez

57

Navotas

2.

Romualdo Daes

47

Navotas

3.

Lemuel Carig

39

Navotas

4.

Artemio Canonoy

68

Navotas

5.

Arvin Canonoy

40

Pandi

6.

James Talisayon

39

Pandi

7.

Adriano Jugarap

54

Navotas

8.

Renato Ramirez Jr.

61

Pandi

9.

Danilo Ramirez 

53

Navotas

10.

Christino Castro

55

Navotas


  1. B. Profile of the Respondents

No.

Saan nakatira bago malipat sa Pandi

Kailan nalipat ng Pandi

1.

San Jose, Navotas

February 16, 2016

2.

San Jose, Navotas

February 16, 2016

3.

Tuazon, Navotas

February 2, 2016

4.

San Jose, Navotas

February 2, 2016

5.

San Jose, Navotas

February 2, 2016

6.

San Jose, Navotas

February 16, 2016

7.

San Jose, Navotas 

October 29, 2015

8.

San Jose, Navotas 

October 29, 2015

9.

San Jose, Navotas

October 29, 2015

10.

San Jose, Navotas

December, 2015


  1. Maari mo bang mailarawan sa amin ang kalagayan ninyo noong una kayong nalipat sa Pandi?


1..

“Mahirap… Dumating kami dito walang kuryente, walang tubig, walang trabaho.”

2.

“Mahirap.” 

3.

“Mahirap. Walang tubig, walang ilaw. Tapos kung mag-iigib kami nandoon pa sa pinakataas. May bayad! Mahal pa limang piso kada balde. Ang kuryente, araw-araw bente. Hindi naman talaga ‘yun [kuntador]... generator lang yun. Tas tuwing gabi lang iyon, pagdating ng umaga, papatayin na iyon. Sa gabi lang naman yung generator. Sa basura naman, may kumukuha. Minsan isang buwan. Hanggang ngayon naman. Yung iba sinusunog nalang yung alam naman namin na masusunog naman siya. Yung mga nabubulok tinatapon nalang namin sa kung saan-saan, nabubulok naman kasi yun, di naman bumabara kung saan-saan.” 

4.

“Lumipat namin kasi dito walang kuryente, walang tubig… matagal din siguro mga buwan din tas nag gegenerator lang kami tapos di pa buo ‘yang kalsada di pa sementado..”

5.

“Mas maganda kasi noong nandon kami sa Navotas…  Walang tubig, walang kuryente, tapos lahat mahal ang bilihin syempre walang hanapbuhay. D’yan din naman kaso lang syempre limit lang yung budget mo, kailangan yung budget mo 500 pagkakasyahin mo. Palengke d’yan? talipapa? unti-unti palang pero yung palengke namin sa siling bata.”

6.

“Syempre napakahirap, napakahirap ng hanapbuhay… tapos nahirapan kami sa kuryente, sa tubig, sa pagkain ganoon din po. Sa ano po sa center sa Pandi e wala naman pong ibang ano kundi sa Pandi po e pero ngayon po meron na sa Res 3 d’yan nalang po kami… may doktoe naman po siya.”

7.

“Malungkot.. Kasi hindi pa namin nakikita yung bahay kung saan kami… Nung una sa mga container kami isang gabi, address daw namin 37 eh wala naman nakalagay na 37, sabi ng mga bata ‘Pa, saan tayo?’ ang sabi tabi-tabi tayo. Dinala sila sa lugar na sana tutuluyan ngunit may tao o nakatira na…Tatlong pamilya kami nagkasya dito nun… ngayon may sarili na silang unit.

8.

“Aba mahirap.. Noong unang lipat namin walang tubig, kuryente. Ang tubig non deliver, truck, rasyon na may nag-alok lang samin submeter noon pa lang sa Navotas binilin na samin na magdala ng mga rechargeable na ilaw o de-battery yun nagamit namin dito.”

9.

“Mahirap… kalati ng bahay walang bubong. Nag-iigib kami sa balon na inaakyat pa.”

10.

“Parang wala naman kaming pinaayos na sa bahay.”



  1. Ano-ano ang mga pagbabago sa kalagayan ninyo noon at ngayon?

1.

“Ngayon meron nang mga kuryente, may tubig na…‘Yung kuryente isang taon bago dumating, ganu’n din yung tubig. Bago yun, nakiki-submitter… Mahal kasi bente ata ang kada kilowatts.” 

2.

“Marami. Unang una sa school ng mga estudyante. Medyo lumapit. ‘Di tulad ng dati, malayo…”

3.

“Sa tubig at ilaw sarili ‘yon. ‘Yon lang pero yung pamumuhay  mas mahirap yung hanapbuhay kasi nandoon ‘yon sa iniwanan namin.”

4.

“Ayun nagkaroon ng kuryente at tubig… tsaka ano ang dami ng mga establishment”

5.

“Yun meron ng jollibee, yun lang. Ay dun sa Pandi… ay sa Sta. Maria ang takbo namin… Oo dun e kaso di na kami doon maka ano kasi dito na kami botante priority nila botante don e residente ng San Jose.”

6.

“Ngayon po kasi po may tubig, may ilaw na… di katulad dati. Meron na pong mga jollibee… di katulad dati talaga wala.”

7.

“Unti-unti naman nagbabago naman kasi nagka 2nd floor na.” 

8.

“Sa pamumuhay, siguro pareho lang rin basta kung naghahanap-buhay ka ng marangal at mas buhay ka sa dagat at ang buhay natin pahirap nang pahirap. Dito sa Pandi, ang maghihirap dito yung hindi kumikilos at di gumagalaw, naghihintay ng patak ng ulan.” 

9.

“Okay na kami ngayon, maayos na mayroong generator at submeter. Improvement na nagkakaroon ng mga establishments, dati ang layo-layo pa ng bilihan.” 

10.

“Mas okay na kami ngayon, mayroong sarili ng kuryente  tubig na kuntador.. Pagdating namin walang palengke, parang talipapa lang pagdating namin dito lalakarin pa”. 


  1. Ano-ano ang mga problemang sumalubong sa inyo noong unang paglipat ninyo dito?


1.

“Pag wala ka naman trabaho kasi di’ba walang pera… Sa basura hanggang ngayon naman din… Minsan lang sa isang buwan… hindi naman talaga sila weekly mangolekta.”

2.

“Unang-una financial problem saka sa area. Shempre ‘di kami sanay sa ganitong lugar. Sanay kami doon sa lugar namin na… kaunting [kilos] lang may pera. Dito wala.”

3.

“Trabaho, tubig, kuryente lang din saka basura.” 

4.

“Pag pumasok ako napakalayo… 150 dati… ay 170 pala dati papunta tas ngayon ano na 150 na… papunta lang…”

5.

“Hanap buhay, tsaka itong bahay na ‘to di s’ya totally ganoong katibay. Yan lang itong harap at likod, kasi totally wala pa naman kaming budget para magpaayos ng bahay.”

6.

“Syempre po yung pagkain namin, napakahirap po talaga. Di po namin alam saan po kami kukuha.”

7.

“Dati kasi walang tubig, walang ilaw, yung tubig dati dine-deliver may umiikot na malaking truck tapos yung ilaw naka-generator singkwenta isang linggo, minsan nasisiraan ng motor tapos noong sinabi na magkakabit ng submeter ayun, naka submeter na kami.”

8.

“Kuryente at tubig. Kung talagang mahirap ka alam mo na yung way na gagawin mo, tsaka yung maparaan ka.” 

9.

Trabaho.

10.

“Syempre yung mga pagkain, paglipat talaga walang hanapbuhay. Kapag walang huli sa dagat mag coconstruction sya dito.” 



  1. Saan o aling lugar mo nasasabi na mas komportable ang manirahan o mamuhay?


1.

“Kung ano… doon? Doon talaga kasi mas madali yung trabaho, transportasyon. Dito kasi, mahirap… Kulang ang jeep. Hindi katulad sa Navotas, mabilis lang.  

2.

“Sa Navotas.”

3.

“Kung ibabalik kami sa Navotas, edi sa Navotas kami titira. Sa Maynila kasi, mabilis ang pera doon. Magsipag ka lang. Dito kahit anong sipag mo, wala talaga. Kasi yung asawa ko nagtrabaho diyan sa laundry dati tapos nagtrabaho din siya sa kainan, dalawang daan lang. Alas-singko ng madaling araw hanggang alas-otso ng gabi uuwi ‘yan para matulog na lang. Tapos two hundred lang sahod mo. Kaya kung magtrabaho ka dito, hindi talaga kaya ng two hundred. Swerte mo kung three hundred sweldo mo.”

4.

“Sa Navotas… kasi maraming trabaho at malapit sa trabaho… tsaka hindi rin mahirap ang pagkain roon, punta ka lang sa tabing dagat makakakain ka na… tsaka may mga tahong na makukuha doon.”

5.

“Ah sa Navotas, kasi nga po ang kita… madali makahanap ng pera. Doon kasi pag naglabada ako pera agad dito wala. Dati volunteer worker ako sa barangay… 2k a month… di sapat.”

6.

“Kung sa Navotas naman po okay naman po yung hanapbuhay po malapit po talaga ang problema lang po kasi napunta na po kami dito syempre wala na kaming choice talagahg dito nalang talaga kami. Kung papipiliin kami, dito nalang po. Wala- e kung sakaling may bahay po kami dun, e pwede naman po. Samin po talaga yun natanggal na po… e kasi tabing dagat kami tinatanggal kasi yung tabing dagat e kaya narelocate kami dito… yung ano mayor doon. Kahit ngayon yung mga nakatira don tinatanggal din kasi ginagawa yung dike e kasi San Miguel na may ari non. Tinanggal na po wala na po talaga wala na rin po… Kahit malayo lingguhan nalang po sya umuuwi. Oo may service sila, dati may nagiikot dito... ngayon wala na. Oo dati ‘yun, opo meron… hindi dati nga nung naglock down 300 isang tao, e kasi diba lockdown bawal nga non… napakahirap edi walang uwi uwi yung mga asawa namin dito. Kasi walang biyahe biyahe noon mayroon pong service na taga dito doon po sila sumasabay para makahuli, di naman po pwedeng damihan. Kaya umabot yung pamasahe 300 pero ngayon wala na, okay na yun.”

7.

“Sa tingin ko, sa Navotas pa din kasi doon ako naghahanap buhay.”

8.

“Ahh.. dito na (pandi) ang problema lang namin yung kakainin sa tirahan safety na kami kasi atin nato di katulad roon nagbabayad pa kami sa renta. Ang kagandahan naman don konting adjust lang kumikita na di kagaya roon na araw-araw babiyahe ako.”

9.

“Dito na din sa Pandi. Doon kasi malapit kami sa dagat tinutulak-tulak kami ng alon. Okay na rin kami, sila lumuluwas pa rin sa Navotas, may anak na rin kaming nakapag tapos tumutulong sa amin.”

10.

“Sa ngayon, mas gusto ko na dito kasi sa Navotas pag bumabagyo binabaha kami, nawalan na kami ng bahay sa Navotas wash out sa bagyong Pedring. Okay na kami dito pag may bagyo okay lang hindi delikado doon kasi tabing-dagat kami.” 


*THE NEXT QUESTIONS WERE FORMULATED TO DISCOVER POSSIBLE PROBLEMS OF THE FISHERFOLK COMMUNITY, WHICH THE TEN RESPONDENTS BELONG TO. 


  1. Ilang taon ka nang nangingisda?


1.

“Matagal na. 30 years na ata.”

2.

“More than 10 years.”

3.

“27 years na. Simula ako ng dose anyos.”

4.

“Tagal na… mga dekada na”.

5.

“Maliit palang pangingisda na trabaho ko e… mga kinse”

6.

“Matagal na po, matagal na. Ano po siya mga 39 na po siya… umano daw po siya mga bata pa lang.”

7.

“Matagal na po, siguro mahigit trenta o 30 years”

.8

“More than magsimula ako bata pa mga 15 years old..

9.

“Tagal na yun. 30 years na.”

10.

Matagal na, bata pa lang mga disi-otso.


  1. Ano-ano ang mga problema ng mga mangingisda ngayon?


1.

“Bagyo. Pagbagyuhan kasi wala talaga. Walang laot-laot. Tapos minsan wala rin namang laman yung dagat, kahit walang bagyo. Bihira lang magkahulihan. Minsan talaga walang huli. Tuwing March, April yan. Hulihan yan pero pagdating ng Ber bihira na. Wala na, pati sa mga magtatahong wala na.”

2.

“Minsan, weather… Kapag malakas yung hangin. Alon. Tas uwian ako, weekly. Mahirap pag ka-commute, mahirap. Kasi one-way namin 200 pesos. Kasi pag nag-daily uwian, di kaya. Masakit sa bulsa saka sa oras.”

3.

“Dati commute araw-araw. Ngayon lingguhan na lang. Doon na ako tumutuloy sa duyan. ‘Di ba may mga bahay-bahay ‘don, kakabitan ko na lang ng duyan tas ‘yun na…. Kasama na yung mga bagyo… Pati yung paggawa ng paliparan, kalsada… naapektuhan yung pangingisda kasi yung bangka sa malayo na namin [iniiwan], kung baga lalakarin na namin yung burak. Dati kasi tubig iyon… ngayon parang kanal na. Tatawirin namin iyon bago kami makarating sa bangka.” 

4.

“Malamig kasi… nilalamig kasi sya lalo sa gabi malakas ang alon malakas ang hangin… oo walang huli, dahil may masamang tubig… masamang tubig namamatay ang mga tahong, namamatay ang mga isda… ayun red tide parang ganon. Pagka ano maaraw ngayon tapos biglang umulan… doon.”

5.

“Kadalasan meron naman, pero kasi dagat wala talaga. E gaya niyan si sya makabalik ng Navotas kasi walang kita e diba nag aano nga ngayon ang San Miguel na tatakpan na nga. Hindi ko alam sa kanila, kasi naman nung nalipat kami di pa naman issue San Miguel noon e, ngayon na lang. Kasi daw ang lupa na ‘yon ay binenta na daw sa NHA tapos ngayon ang lumalabas ang humahawak San Miguel pala.”

6.

“Oo sinasabi niya, minsan may huli… minaan wala. E minsan mahangin, malakas ang agos kaya wala po talaga. Mas lalo na ngayon tinambakan na wala ng huling mga ano ngayon. Siguro naapektuhan mga maliliit na isda nagagalaw yung mga isda sa ilalim.”

7.

“Kapag halimbawa ganitong malamig walang huli kasi walang isda, edi walang kikitain malamig ang dagat. Kapag minsan nagkasuwrtehan sila medyo malaki-laki ang parte nila at wala akong totally na sariling bangka”

8.

“Lamig talaga dahil sa gabi lumalabas tapos puyat. Yung red tide naman calamity yan, nakakapag adjust naman ako dahil sanay ako maghanap-buhay sa lupa.”

9.

“Weather condition, yung walang mahuli kasi di naman araw-araw pasko, yung malakas ulan tapos mainit. Masamang tubig yung uulan nang malakas tapos hahalo sa salt water ma co-contaminate yung tubig, yung mga isda nawawala. Kagay ng mga nagtatambak na taga- China nagtatapon ng waste product, lahat ng barko may waste product imbes na dalhin sa China doon itinatambak.”

10.

“Ang kalaban namin dyan bagyo, malaking alon. Yung red tide din o namamatay yung mga isda masamang tubig. Dati yung dagat marumi o maraming human waste, puro basura na gawa ng mga pabrikang malaki.”


  1. Anong klaseng trabaho ang napasukan mo na? Bakit hindi nalang ito ang regular mong pasukan?


1.

“Wala, pangingisda lang talaga.”

2.

Wala akong nakikitang trabaho dito. Mas stable na ako as fisherman.”

3.

“Meron naman kaya lang, hindi talaga ako sanay kasi bata pa lang ako yun na yung nakasanayan. Dati sinubukan kong mag-konstraksyon, yung likod ko sumakit sa paghalo ng semento.”

4.

“Oo, wala naman na akong ibang trinabaho … dati meron sa lantsa… ganon din sa dagat din… di ako nangingisda sa lancha semento yung kinukuha namin parang ganon… tsaka may edad na rin sya e.”

5.

“Meron construction… sa Alibaba. Hindi na siya ganoon kasi sumasama na s’ya sa pahinante ng Lalamove pero di regular ang sama nya, gaya n’yan isang araw lang sa isang linggo. Oo bukas ang sakay n’ya… Di kasi may ano lang yun may palit palitan lang sila ng tao, parang yung boss nila gusto lang makatulong sa kanila. Kung sa Alibaba naman at construction di kaya kasi every saturday, pag papasok sya ng sabado e pondo pa yun e may pinagaaral kami sa private school, e di sapat.”

6.

“Ayun lang po, minsan po construction… pero pinipili pa rin niya kasi mahirap daw e.”

7.

“Wala na po, kasi nagsimula yan 13 years old na siya”

8.

“Wala na, mula nung mag-asawa natuto at nasubukan ko mag construction, magtulak ng kariton, at mag-tinda ng patis sa laguna sa mga restaurant. Kaso pambigas lang talaga mahirap sa katawan, maghapon ka magtutulak. Nasanay na kasi ako sa dagat.”

9.

“Nag construction dati gumagawa ng pintuan sa mga bahay gamit lang ang gulok. Isang hilera papakyawin mo siya, halimbawa isang block.” 

10.

“Sa umaga construction kapag may nagpapagawa tapos sa gabi mangingisda. Sa pangingisda, magaan ang trabaho na may “jackpot” sa construction talagang aabutin mo yung hirap, yung ulan at matinding araw.”


  1. Kung may mas malapit na trabaho dito, pipiliin mo pa rin bang mangisda?


1.

“Mas kumportable na doon eh.”

2.

“Sa Navotas.”

3.

“Depende kasi sa pamumuhay… kung meron talagang hanapbuhay dito, bakit hindi? Dito na lang.”

4.

“Oo alam naman na… Navotas talaga. Oo… ano malapit kasi kami sa dagat e… meron dun sa harap mismo ng bahay namin. Diba eto yung bahay namin dito lang sa may harap… ano yung dike kasi ano hinarangan nila yung dagat… oo apektado, umalis na nga yung mga isda e… mababaw na, hinahalukay ng San Miguel… hindi hinahalukay nila… hindi gagawin nila parang tulay, gagawa sila ng tulay… daanan papuntang Bataan ata tsaka may inaano silang butas sa airport ata… tinambakan nila ng tinambakan… nawala na yung mga tahungan doon e… parehas… sumisisid… ngayon bihirang bihira na kasi may edad na ako… ayun mga anak ko… oo nagdadagat din… oo naman magkaiba sa isang gabi nakakahuli sila ng 100,000 biruin mo 100,000 yun isang gabi lang… wala. Kubo lang… gumawa lang kami kasi bawal na yung pinagtayuan namin ng bahay doon gumawa nalang ng kubo kubo... ayun tulugan lang.”

5.

“San ba may mga palaisdaan? malayo ba sa atin yon? Bakit hindi, e kung ayun yung ikabubuhay at marangal. E kung ako man may trabaho bat di ako papasok e dito hirap ng buhay. Tiinanggalan kami ng hanap buhay… lahat kumbaga dito yung araw araw namin inaano nalang namin kumbaga inaabsorb namin na kaya namin. Ket magkano lang ang budget, sympre babayad ka ng kuryente, pagkain sa araw araw nagpapaaral ka pa… Ako di naman kumakain ng 400 mga 300. Yung bahay wala pa, di namin binabayaran kasi yung bahay namin sinira doon e. Di totoo yun, kadamay nga nagkaroon ng bahay… kami tuloy na may bahay sa Navotas gaganiyan kami, gigipitin kami.”

6.

“Di ko po alam e, oo kung maganda lang po yung ano dito… kasi po pag walang tahong sa ano pag walang tahong at isda sa Navotas nagba-Bataan yun kasi po pag walang isda bumibiyahe po talaga siya sa Bataan gamit bangka. Umaano sila ron- umuuwi sila dito isang beses. Ganon talaga ‘yon basta di lang maalon.”

7.

“Hindi ko rin alam. Ewan ko lang sa kanya, kasi alam niya rin yung  Hagonoy, minsan doon sila”. Doon na lang talaga sila nangungupahan kasi yung anak ko andon nag-aaral”

8.

“Hindi na, kung sa Hagonoy na pangingisda karatig lang din yon.”

9.

“Oo, mandaragat kami dinala dito sa bundok, di marunong magsaka, syempre babalik kami sa pinanggalingan namin.” 

10.

“Kung merong dagat na stable, kasi ang isda kasi lugar-lugar yan meron kasing malinis na walang isda.”




CONCLUSION.


The residents of Phase 5b, Phase 5A, and Phase 6, Pandi Residences 1, Mapulang Lupa, Pandi, Bulacan, who are mostly relocated from San Jose, Navotas City in the years 2015 and 2016 describe their first situation in the site as difficult. The reasons for that statement are almost the same for all the residents such as having to move into a house without a water and electricity line, no nearby wet market, school, or health facilities, and lack of job opportunities. Many have recognized the site's improvement over the years but most would still prefer to live in Navotas rather than in Pandi because of livelihood. Most of the respondents are fishermen, which is why most of them are still a Navotas citizen, despite living in Pandi for 7 or more years, as the Navotas local government requires local citizenship to sail legally. However, these fishermen are suffering from restlessness, climate change, and, ultimately, land reclamation which causes their catch to tremendously decline.


Comments

Popular Posts

Citizen and Community Journalism: Community Issues and Problems among Citizens in Brgy. Maguinao, San Rafael, Bulacan

San Pablo residents speak up; living in the baranggay