Brgy. Sto. Rosario Officials responds to the Current Issues in their Community


 Members: 

  • Cruz, Loise Dea

  • De Arce, Red Olive

  • Sy, Princess Reign

On February 8, 2024, our group went to Sto. Rosario Barangay Hall to interview the local officers of Brgy. Sto. Rosario in the matters of the current issues faced by the whole community. Here, we have compiled the answers of the local officers that we have interviewed: 


Local Officer 1: Roberto Tamayo, Barangay Captain

Interviewer: Unang tanong po naman is anu-ano po yung mga isyu o problema na madalas pong nirereklamo sa barangay ngayon?

Kapitan: Pangkaraniwang naming natatanggap dito, palibhasa ay ako ay bagong upo palang noong November 15 yata. Lagi ko talagang nadidinig na isyu dito eh tungkol dito sa senior high namin na labis na nalulubog pag high tide at nagiging sanhi non yung mga bata napeperwisyo ang pag pasok ng mga bata sa sobrang taas ng tubig

Interviewer: Yung epekto po non sa mga bata sa pang-araw-araw is yung hightide po?

Kapitan: Yung talagang mga bata talagang pangkarinawan na, mga kabataan na talagang iyan kapag iyan e nag iwan ng problema galing dito sa barangay. Ngayon, ako dumadalo sa samahan naming mga kapitan. Tawag namin don ay liga, liga ng mga barangay. Natatalakay din namin kung paano kami makakapagpatupad ng curfew para yung mga kabataan ay magkaroon kami ng disiplina at tamang oras sila ay umuwi.

Interviewer: Paano pong pagdidisiplina po? Diba po sabi nyo sa curfew po paano po macoconnect sa isyu or problema na nirereklamo po sa paaralang na sinasabi nyo pong maraming problema?

Kapitan: Hindi, kaya nga tinatanong mo sakin tungkol sa pangunahing problema ng barangay, ang inuna ko nga talaga itong eskwelahan ng senior high. Pagkatapos ayon, nabanggit mo rin sakin na tungkol sa mga kabataan, eh yan talaga ang pangkarinawang problema dito. Siguro sa tamang oras at pag-uwi ng bata. Ang naisip naming tamang paraan, baka kung kami ay nakakapag patupad ng curfew ay dun ay madisiplina namin sila.

Interviewer: Pangatlo po, meron po bang problema ang barangay noon na ngayon ay hindi na inereklamo or nabigyan na po ng solusyon?

Kapitan: Ah, kuwan iyong naging problema kasi noon tungkol sa kabataan ay hindi namin halos nalalayo sa ngayon. Sa katunayan nga, kami ay nakapag pakabit ng solar. Nang nakabitan ng solar naging maliwanag naman, naging kuwan naman mga kabataan, kahit papaano ay sila hindi na gaanong makagala ng gabi sa pagka’t, ibig sabihin maliwanag. Diba’t tulad ng dati madilim.

Interviewer: Ano po ba ginagawa nila kapag po gabi? 

Kapitan: Eh pangkariwan nakagala tapos yung iba, alam mo naman, hindi ko naman sinasabing mga kabataan samin baka magalit sa akin, minsan naiinom sila.

Interviewer: Meron po kaming nakuha mula sa purok 2 po na yung ilang kabataan po roon ay nag aaway tuwing gabi dahil sa mga lasing. Ano po kaya ang aksyon na inyong ginagawa may ganoon pong pangyayari?

Kapitan: Bale barkadahan sila. Away lang naman nila pangkaraniwan naman sa kabataan. Hindi naman sila umaabot sa punto na nagkakasakitan na matindi.

Interviewer: Nagkakaayos naman po?

Kapitan: Ay, oo, naareglo. Sa katunayan nga, kaharap ko yung dalawa kong kagawad na talagang sila ang tumutong sa akin para yung problema namin yung sa kabataan sa Purok 2, sa sinasabi mo ay agaran naming masolusyunan 

Interviewer: About naman po sa tubig ng kanilang looban? Hindi raw po nawawala. May nagawa na po ba kayong action doon para mawala ang tubig kahit papaano?

Roberto: Kasi kami rito sa Sto. Rosario Hagonoy ay dulo ng bulacan…dahil ito ay Coastal area kaya iyan kapag nag hightide ay talaga namang umaangat ang tubig naming dito, tapos ngayong nasa kuwan tayo ng amihan ng taon, ang tubig naming dito…mga 5.2, mataas siya. Hindi talaga naming maiwasan pagtaas ng tubig dito kahit na anong gawin naming pataas…sa totoo lang papagawa kami ng bahay…tataasan namin yon, mga 5 years lumulubog na sila sanhi nga ng hightide at coastal area. Pero iyon naman inaagaran naman namin ng solusyon, iyan sa katunayan kakayari lang namin na isang pathway…pinataasan namin siya para yung mga batang nag aaral. E naaawan kami…naglulusong, kinakarga ng magulang, at hindi man halos hindi na kumakati yung tubig nagiging sanhi ng lumot…lahat nadudulas…bata at senior. E kaya di naman kami nagpapabaya para dyan, nakikipag ugnayan kami sa aming mayora para masolusyunan itong problema ng tubig. Kaya lang talagang nasa coastal area. 


Local officer: Nelson Perez, Kagawad

Kagawad: Ako ay si Kagawad Nelson Perez, ako ay naupo noong 2010, ay noong 2013 hanggang 2018 ang aking hinahawakan ay ang kabataan at ng edukasyon, at sa basura. Meron kaming ginagawang programa, pagplaplano, kasamahan yung mga mag-aaral ng Ramona sa nitong Hagonoy West Central School at isa sa mga problemang tinatackle namin ay illegal drugs, itong early pregnancy, at itong gang, gang na tulad ng nabanggit mo kanina. So nung mga panahon na iyon ay meron kaming katulong na LGO or NGO, itong Save the Children Philippines. So sila at kami ay magkatuwang, gumagawa kami ng mga plan, ini-integrate namin. Mga plano ng school at ng barangay kung paano maitatackle o masosolve yung mga problemang yon at isa sa mga napag-usapan nga kung paano ma solve itong early pregnancy. Kung saan ay ito ngang sinasabing, tinatanong mo kanjna ay kawalan ng street light sa gabi ay nalipana pa ang mga estudyante kaya nagsagawa ng curfew para maiwasan ng mga bata, ng mga kabataan. Ang mag-aaral ay gumala gala pa ng ganoong oras at meron ding kaming ordinansa doon na pinagbabawal namin yung mga studyante na gumala gala sa oras at araw ng klase. Kapag sila ay aming nakita ay iniimbitahan namin sila sa barangay pagkatapos tinatanong namin ang pangalan, ano ang seksyon, kung sino ang teacher, pinapatawag namin yung teacher at pinapatawag namin yung magaulang at sinasabi namin ang inyong anak ay hindi pumapasok sa eskwelahan at naglalakwatsa lang. Minsan meron pang gumagamit ng marijuana, naninigarilyo, umiinom. Kaya nagkaroon kami ng magandang programa para sa kapakanan ng mag-aaral. 

Interviewer: Bukod po sa kabataan po meron din po kaming result sa survey po na sa basura po. May nagsabi naman pong nawawalis naman daw po pero bumabalik naman daw po. Ano po kaya solusyon dito?

Kagawad: Okay, ganito, noong naupo kami last November wala talagang mga batas o ordinansa, pasya ng barangay kaming nadatnan so bilang namumuno sa kapligiran, meron akong ordinansa na by litering na kung kelan, kahapon o makalawa na ay naging second hearing. Yun ang pagbabawal sa pagtatapon, paglalabas, at hindi pagbubukod bukod ng basura kung saan eh meron policies at penalties doon sa lalabag. Nangailangan pa ng isang pagdinig bago namin submit sa Sangguniang Bayan para maaprobahan kaya ngayon naka-pending pa. So iyon yung isa namin solusyon para maiwasan na yung basura ay nakakalat sa kalsada at hindi napapagbubukod bukod. Meron din kaming mga plano na magkaroon ng material recovery facility kung saan yung mga lahat ng recovery materials bubukod namin, lahat ng waste materials ng nabubulok, icocompose namin para maging fertilizer, para magkaroon, para don sa lalagay naming eco park yung gawing simabahan sa Purok 2. So, nagkakaisa, paunti-unti ay siguro makikita na namin yung kalakabasan mga ilang buwan pa simula ngayon.

Interviewer: Nasabi nyo po na may policies po kayong pinapatupad, may naging kaso na ganon na po ba sa barangay recently? Kunware po may nakita kayong nagtatapon ng mali, may nakasuhan na po kayo ng ganon?

Kagawad: Noong unang patawag kasi ang paglabag sa unang paglabag ay pinapatawag sa barangay, pinapaalalahanan na sakaling kayo ay umulit pa ulit na magtatapon ng basura ay kayo ay amin nang pupuntahan. Halagang limang daan piso sa pangalawang paglabag, pangatlo, isang libong piso, pangapat ay maaring community service at pagkakabilanggo. So, hindi na umaabot sa ikalawant patawag. Yung una palang ay nadidisiplina na, hindi na nila pinapaabot sa ilalawa pero sa ngayon pa nga lang ay hindi pa ito naisasakatuparan. Way back 2013, meron na rin kaming napapatawag sa barangay pero hindi na umuulit at wala paring kaming napapakulong na, namumultahan, ganon yung nagiging sistema. Puro pa disiplina lang.



Local officer: Jerome DC Santos, SK Chairperson

Interviewer: Anu-ano po ang isyu o problema na madalas ireklamo sa inyo sa barangay?

Jerome: Ang maadalas na reklamo sa barangay ay patungkol sa kabataan. Ang una ay mga naglalaro ng bola ng dis oras ng gabi, hating gabi, pasok na [ron] sa curfew hours. Pangalawa, yung sa eskwelahan, kasi ang barangay namin ay sentro ng gawing ibaba ng Hagonoy kung saan nandito ang dalawang eskwelahan ng Ramona Trilliana at Hagonoy West Central School. Ang Ramona Trilliana High School kung saan ay… kung di ako nagkakamali mara-rami estudyante, isa sa problema nila ay yun ngang kalsada na baha, high tide. Yun talagang problema [rito] ng kabataan sa barangay.

Interviewer: Ano naman ang action niyo sa mga problemang ito?

Jerome: Sa kasalukuyan, ang patungkol doon sa curfew hours o yung paglilimita sa mga kabataan na huwag nang umistambay ng dis oras ng gabi ay kasalukuyan ay nagkakaroon na tayo  ng pagdinig diyan, kasalukuyang plinaplano at  plinaplantsa ng sangguniang bayan upang maipatupad nang bawat barangay na sakop ng hagonoy. Patungkol sa…patungkol naman sa problema sa high tide [roon] sa purok 2, kung saan nakatirik, nakatayo ang paaralan ng Ramona ay ito ay mayroon nang pondo ng sangguniang bayan. Hinihintay na lamang naming yong baba o yung pag apruba para masimulan na yong kalsada [roon] para hindi na siya maging problema pa ng mga kabataan sa purok 2.

Interviewer: Mayroon bang problema sa barangay na nasolusyunan na o hindi na isyu ngayon?

Jerome: Sa panunungkulan naman namin, sa mga nanungkulan noon, wala naman siya naging gaano probelama o malaking isyu. Ang talagang naging problema ng panunungkulunan noon ay hanggang ngayon naman ay problema pa rin namin ay ang parking lot. Itong sa atin, na sakop ko sa cover court … hanggang ngayon ay probelama pa rin namin , pero unti unti naman naming plinaplano kung paano namin masosolusyunan kasi alam naman natin na para sa kabatiran ng … sa pamahalaan kung magkakaroon kami ng kautusan o kapasyahan ay ito pa ay mahabang proseso, pero meron kaming mga action … alternate na action, alternate solusyon dito sa mga problema na kinakaharap ng barangay na nasusolusyunan naman namin sa panahon ngayon, kahit naman na yung nagdaan, yung mga problema na nagdaan noon ay nasosolusyunan naman ng mga tumayo kaya ngayon unti unti naman naming nabibiyan ng serbisyo yung mamamayan ng sto Rosario, pati ang mga kabataan ng sto Rosario. 

Conclusion

To conclude, the local government of Barangay Sto. Rosario, Hagonoy, Bulacan received complaints or is currently facing issues regarding waste management, teenagers wandering the streets past the curfew hours, teenage pregnancy, and how flooding affects the lives of students and the whole community. Most of these issues were also faced by the previous government and though they have just been elected as barangay officers since November last year, they are communicating with the municipal council of Hagonoy, Bulacan to address the issues of their community. As stated by the barangay councilor Nelson Perez, their government is actively reaching out to LGOs and NGos to plan actions and integrate them in their community. They have also established policies and penalties regarding waste management and curfew hours. 


 Based on the information they have given, they are actively trying to take actions in order to solve the issues facing their community.









Comments

Popular Posts

Citizen and Community Journalism: Community Issues and Problems among Citizens in Brgy. Maguinao, San Rafael, Bulacan

In Barangay Malis