Barangay Officials of Barangay Tuktukan Respond to the Common Problems of their Community
Community and Citizen Journalism
Barangay Tuktukan Officials' Survey
Ano po ang kadalasang inirereklamo ng mga residente sa inyong barangay? |
Ang madalas na nirereklamo nila dito sa amin ay basura kasi, sa totoo lang, ‘yun yung comittee ko—solid waste and management. Ngayon, ang basura kasi kahit anong sinop ang gawin natin, kahit anong propaganda ang pwede nating ilabas, sa dami ng tao, parami nag parami sa totoo lang. Nag-doble ang volume ng tao ngayon, lalo pa yung sa may Brooklyn natin, tapos dito ang daming umuupa, ang daming nagtayo ng bahay, ang daming apartment; iyon ang nagiging sanhi ng basura. Dumadami sila dahil ang basura, as long na marami ang tao, mas double-doble, triple pa nga eh. Iyon ang laging reklamo ng tao.
|
Ayon po sa ilang mga residente ng komunidad, minsan ay natatagalan o ‘di nakararating ang kanilang ayuda. Ano po kaya ang rason kung bakit nangyayari ito? May ginagawa po ba kayong hakbang upang tugunan o lutasin ito? |
Sa ayuda naman ng senior, ang nangyayari d’yan nanggagaling kasi sa national ‘yan eh. National tapos ibaba lang sa mga LGU. Ngayon, ang LGU ang gagawa ng paraan para ma-comfort yung mga tao, yung ating mga senior. May bracket kasi sila na sinusunod sa DSWD, may bracket na sinusunod kung ano yung edad na puwede nilang bigyan, na talagang makakasama doon sa benipisyo na para sa mga senior kasi ‘di natin puwede pangunahan ang National, lalo’t sa lalo’t na ang presidente ang kinakailangan na magsasabi sa mga nakaupo na pinuno natin.
May bracket yung edad; kunwari ikaw nasa 77 pataas, ayun ang binibigyan ng ayuda, kumbaga social pension kasi, ang nanay ko, sa totoo lang, nung magkaroon ng social pension,77 na siya. Ilang taon lang niya napakinabangan, kaya lang rest in peace na sya eh. Nakinabang din naman siya, kaya lang iyon nga may pumalit na eh, hindi ko alam kung sino mga pinapalit nila. Depende rin sa sino yung nangangailangan na senior, yung talagang walang wala na senior, ‘yun talaga ang uunahin.
|
Tungkol sa isyu ng relocation, ano po ang mga ginagawa ninyo para matulungan ang mga apektado nito? Ano po kaya ang lagay ng lilipatang lugar ng mga residente? |
Sa LGU kasi, ang mayor natin ang nauuna. Kinakailangan siya talaga ang gumawa ng paraan para ma- relocate nang maayos. Nagpapagawa pa nga tayo ngayon ng parang tenement, kumbaga parang style condominium iyon, pero sana maging maayos naman yung makakakuha ng bahay.
Sa binabaha naman, meron kasi tayong mga portional na ‘di ba talagang tumataas ang kalsada eh tapos napag-iiwanan yung mga mababang lugar, so ang kailangan diyan para magkaroon ng lunas, kumbaga magkakaroon sya ng lunas daanan tubig, drainage, mga ganun, pero ang mga kinakailangan talaga sa mga may lupa na katulad ko yung bahay ko patataasan ko, kailangan ganun para lang makasabay o makasunod sila, pero kung wala talaga sila panggastos para taasan yung kanilang lugar, ‘yun lang ang ating ano yun lang ang bibigyan ng [solusyon] kaya lang hindi na masosolusyunan ni LGU yun dahil personal mo ng gamit yun, personal na property mo na.
|
Ano po ang kadalasang inirereklamo ng mga residente sa inyong barangay?
|
Ang problema po talaga natin [ay] basura, kahit may mga naka-schedule po tayo diyan kung kailan kukuha ng nabubulok at saka ‘di nabubulok, napakarami po lalo na po sa patubig, lagi po kaming nagpapalinis diyan, pero ayan na maya't maya may tapon pa rin ng basura, pero dito sa bayan ng Guiguinto, meron nga po tayo rito na tinatawag na “bawal magkalat” pero parang hindi parin na-i-implement nang husto, kumbaga yung upos nandiyan na naman, nagsisimula na naman. Kalat, basura sobrang dami.
Katulad po ng sinabi ko sa patubig, kalilinis lang po niyan, halos lingo-linggo nagpapatanggal po kami ng basura, kaso isang talikod mo lang, after two days, may basura na naman, kaya’t disiplina po talaga, kaso parang lumalabas po ngayon dito parang ang gumagawa [ay] mga taong barangay, yung mga eco po natin, inasa na po talaga doon sa mga kawani po natin na taga linis, kumbaga ayaw nilang mag sinop ng basura.
|
Ayon po sa ilang mga residente ng komunidad, minsan ay natatagalan o ‘di nakararating ang kanilang ayuda. Ano po kaya ang rason kung bakit nangyayari ito? May ginagawa po ba kayong hakbang upang tugunan o lutasin ito?
|
Kasi katulad dito may tinatanong nga po sila, yung provincial sa kapitolyo, hindi po talaga binaba sa atin yun yung 5, 200. Sinasabi wala pa pong binababa sa aming barangay, sabi nila halos buong Bulacan, ibaba na raw yung ayuda, bakit sa Tuktukan, wala? Wala pa po talagang naibaba sa atin.
|
Tungkol sa isyu ng relocation, ano po ang mga ginagawa ninyo para matulungan ang mga apektado nito? Ano po kaya ang lagay ng lilipatang lugar ng mga residente?
|
Katulad diyan yung mga relocation, yung dito nga pinaplano natin, pag natuloy yung irrigation, yung mga nasa ibabaw ng patubig lahat, halos lahat ‘yan mare-relocate, kumbaga pag natuloy ngayon, kasi na-i-stop gawa nung dumaan tayo sa pandemya kaya di natin alam, pero lahat sila binigyan na ng kasulatan na pag natuloy yung programa na ‘yon, aalis sila dun sa ibabaw ng patubig, ire-relocate sila.
Parang ang alam ko sa gawing Sta. Cruz, parang may maluwag dun na pinagawa. Opo, may bahay, parang ito yung magiging pabahay
|
Ano po ang kadalasang inirereklamo ng mga residente sa inyong barangay?
|
About sa financial assistance ng hospital bill, sa pa-checkup, sa laboratory, tapos kuryente, tubig, pagkain, baon, ayon lahat na. Kahit na iba kang committee, kine-cater namin lahat ng problema ng bawat isang mamamayan ng tuktukan.
|
Ayon po sa ilang mga residente ng komunidad, minsan ay natatagalan o ‘di nakararating ang kanilang ayuda. Ano po kaya ang rason kung bakit nangyayari ito? May ginagawa po ba kayong hakbang upang tugunan o lutasin ito?
|
When it comes sa ayuda, maraming pinanggagalingan ‘yan. Actually, ako rin, nung ‘di ba nga, bago lang ako, ganyan din ang reklamo ko. Pero pag ikaw pala, nandoon ka na sa posisyon, malalaman mo kung bakit. Unang-una, ang ayuda, maaaring sa DSWD [o] National, matagal talaga. Actually, kung pagbabasihan natin, mas mabilis na sa Barangay Tuktukan kasi mas maraming kumikilos na mga sumusuporta at saka marami na tayong connections. Pagdating kasi sa ayuda, marami talagang pinanggagalingan. Maaring sa Barangay Tuktukan yung, kunwari nagkaroon ng bagyo, mabilis-bilis na kami.
Kasi kung sa ibang nyo magbabase, mas mayaman ang ibang bayan. When it comes naman sa Guiguinto, in general na, mabilis na sa Guiguinto, hindi lang naiintindihan ng tao na batch by batch—mayroong mauna at mayroong medyo, kasi, kumbaga, sunod-sunod, ganon.
|
Tungkol sa isyu ng relocation, ano po ang mga ginagawa ninyo para matulungan ang mga apektado nito? Ano po kaya ang lagay ng lilipatang lugar ng mga residente?
|
Actually, dito kami sa may riles, kung mapagbabasihan niyo, marami nang na-relocate diyan. Actually, wipe out, kasi hindi naman mag-i-start ‘yan kung hindi na-relocate so, kung pagbabasihan dyan, 100%, lahat na-relocate.
Unang hanay ang Barangay Tuktukan. Kung pagbabasihan natin, sa relocation, pag-a-assist lang sa amin. Hindi po pwedeng, ito meron ka nang bahay as it is. Ang budget kasi ng barangay, o ng maliit na pamayanan, ay hinahati-hati—maaring sa health, sa education, sa agriculture, sa iba pang mga committee. Sa amin, hangga’t maaari, lahat ma-cater. Kung pagbibigyan lang natin ang lahat ng relocation, although hindi naman lahat din, kailangan.
|
Kag. Ricky Mendoza
Ano po ang kadalasang inirereklamo ng mga residente sa inyong barangay? |
Sa ngayon kasi, pinatupad ko na yung panghuhuli sa mga pagala-galang aso. Kasi number one ang problema ng Barangay natin [ay] ‘yan. Dahil nga, para sa kaligtasan din ng mga mamamayan, dahil tumaas na yung kaso ng rabis sa atin, hindi lang naman sa atin, sa buong Pilipinas. Ang problema pa nga natin, yung mga may-ari ng aso, pag naman nakakagat, hindi naman nila ginagampanan yung obligasyon nila para ipagamot, tapos yung mga dumi ng aso. Kaya noong pag-upo ko, una kong ipinatupad yung panghuhuli sa mga gumagalang aso at hanggang ngayon ipinatutupad natin ‘yan. Pangalawa pa nga, isa sa mga problemang nakita ko, yung mga illegal parking. Siyempre rito sa lugar namin, makikita nyo naman, maliliit yung kalsada, makikitid, kung paparadahan pa ng mga ano, ang iniiwasan natin baka magkaroon ng emergency like yung sunog o emergency, so hindi makakaresponde o ‘di agad makakapasok agad yung fire truck para maapula yung sunog.
|
Ayon po sa ilang mga residente ng komunidad, minsan ay natatagalan o ‘di nakararating ang kanilang ayuda. Ano po kaya ang rason kung bakit nangyayari ito? May ginagawa po ba kayong hakbang upang tugunan o lutasin ito?
|
Actually, yung sa ayuda, hindi naman sa Barangay nanggagaling ‘yan, sa national o sa munisipyo so kung kailan lang din ibaba ng munisipyo, doon lang dini-dispose ng Barangay, pero ako bilang committee na rin ng calamity o sa disaster, kung magkakaroon ulit ng mga ganyan, so bilang committee eh, ibababa agad natin yung tulong para sa kanila, kasi meron naman pondo ang Barangay na tinatawag na calamity fund, so nakita ko naman kung magkano yung dapat kong gastusin diyan, yun naman talaga para sa tao yun, kaya di ako magdadalawang isip na ibaba talaga sa kanila yun.
|
Tungkol sa isyu ng relocation, ano po ang mga ginagawa ninyo para matulungan ang mga apektado nito? Ano po kaya ang lagay ng lilipatang lugar ng mga residente?
|
Pag magagawi ka sa kabilang patubig, yung tinatawag na Cordillera, kung mapapansin niyo roon, halos wala na kayo nakikitang patubig. Nandoon na yung mga iskawater, kaya makikipag-ugnayan tayo sa NIA at sa pamahalaang bayan ng Guiguinto, imumungkahi ko rin sa aming sangguniang barangay na mabigyan ng relocation yung mga bahay na nandoon nang sa gayon itong daluyan ng tubig na ‘to ay makadaloy nang maayos, nang walang sagabal. Kaya nag request ako sa NIA na inspeksyunin nila para mahukay nila at maayos nila.
|
Ano po ang kadalasang inirereklamo ng mga residente sa inyong barangay?
|
Kadalasan na reklamo sa atin ay sab asura. Sa sobrang ng ating barangay, may mga pagkakataon na hindi lahat ng area ay nahahakutan ng basura lalo na kapag puno ang Central MRF kung saan binabagsak ang mga kinokolektang basura.
|
Ayon po sa ilang mga residente ng komunidad, minsan ay natatagalan o ‘di nakararating ang kanilang ayuda. Ano po kaya ang rason kung bakit nangyayari ito? May ginagawa po ba kayong hakbang upang tugunan o lutasin ito?
|
Kadalasan sa rason kung bakit hindi sila nakasama sa opisyal na listahan na ibinababa naman ng pamahalaang nasyonal. Bilang pagtugon sa mga ganitong sitwasyon ay gumagawa ng paraan ang barangay sa pamamagitan ng paglalabas ng budget upang mapunan ang mga kakulangan na ayuda mula sa pamahalaang bayan o nasyonal.
|
Tungkol sa isyu ng relocation, ano po ang mga ginagawa ninyo para matulungan ang mga apektado nito? Ano po kaya ang lagay ng lilipatang lugar ng mga residente?
|
Ang pamahalaang bayan ang siyang namamahala sa mga kabarangay natin na kinakailangan irelocate. Sa kasalukuyan ay may mga kabarangay tayo na nabigyan ng pabahay sa SMPK sa Malis dahil sila ang tinamaan ng Road Widening ng Pamahalaang Nasyonal. May mga kasalukuyang proyekto din ang pamahalaang bayan ng paggawa ng mga karagdagang pabahay na siyang paglilipatan sa mga Informal Settlers sa ating barangay kung saan sila ang pangunahing prayoridad.
|
Comments
Post a Comment